Jinkee Pacquiao, Nabalita na Ninakawan ng Pera at Alahas ng Kanyang Personal Assistant!

Ang asawa ng ating ‘boxing champ’ na si Jinkee Pacquio ay kilala bilang isa sa pinakamayamang babae sa ating bansa. Makikita sa kanyang Instagram account ang pagbabahagi niya ng kanyang mga collection ng mga damit, make-up o di kaya naman ay mga alahas. Mahilig din mag-travel si Jinkee at bumisita sa iba’t-ibang bansa. Sa kasalukuyan ay hands-on siya sa pag-aalaga ng kanyang limang anak at isa ding beauty ambassador ng Belo Group.




Kumuha ng personal assistant si Jinkee para makatulong niya sa kanyang mga lakad at pangangalaga ng gamit. Maganda ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ng Pacquiao at halos ituring na nila itong kapamilya. Malaki din ang tiwala ni Jinkee sa kanyang personal assistant dahil tubong GenSan din ito kagaya nilang mag-asawa. Palagay si Jinkee na iwanan ang kanyang mga gamit pati na ang mga alahas niya sa kanyang personal assistant at kailanman ay hindi nag-isip na maaring nakawin ito sa kanya. Madalas din daw bilhan ni Jinkee ng damit at mga gamit ang personal assistant lalo na kapag kaarawan nito. Isinasama din ni Jinkee ang personal assistant sa lahat ng lakad nito kahit na sa ibang bansa.

Sa kasamaang palad, kamakailan lang ay napabalitang ninakawan si Jinkee ng kanyang personal assistant! Ilan di umano sa mga nakuha kay Jinkee ay ang kanyang mga alahas at pera.


Si Lolit Solis mismo ay nagsabi sa kanyang Instagram account na ninakawan nga ng personal assistant niya sa Jinkee Pacquiao. “Naku salve may scoop ako iyo. Kaloka ang PA (personal assistant) ni Jinkee Pacquiao ha na isinasama niya sa lahat ng lakad niya, binibili ng mga gamit at isinama pa sa lakad niya sa Amerika this October nang madiscover nila na unti-unti na pala silang ninanakawan. Depress na depress si Mama Jinkee dahil buong-buo ang tiwala nya sa babae na taga-Gensan”. Ilan lamang ito sa mga sinabi ni Lolit Solis sa kanyang post.



Isinasasama pa nga daw ni Jinkee ang PA niya kahit sa Bible study at sa parlor. Kaya naman hindi akalain ni Jinkee na magagawa siyang nakawan ng taong itinuring na niyang kapamilya.

Nahuli din ang babaeng nagnakaw ng pera at mga alahas ni Jinkee at sa sobrang bait nito hindi na nila ipinakulong ang PA. Umiiyak si Jinkee habang tinatanong ang personal assistant kung bakit niya nagawang magnakaw sa kabila ng pagbibigay sa kanya ng lahat ng kailangan nito.


Marami ang humanga sa ginawang iyon ni Jinkee at kahit na si Lolit Solis ay hindi makapaniwala sa naging reaksyon ni Jinkee noong nahuli na ang nagnakaw ng kanyang mga gamit.