Nag-Viral ang Internet Sensation na si Mother Sitang Matapos Itong Magpagupit ng Buhok Kung Saan Nagmukha Itong Tunay na Lalaki

Nakilala si Mother Sitang dahil sa kanyang mga makabaling leeg na “head bang” dance at mahabang buhok na pwede pang shampoo commercial. Sa katunayan ay marami siyang fans sa buong Asya lalo na sa Pilipinas. Nakilala siya ng mga Pilipino hindi lamang dahil sa kanyang mga viral videos kundi dahil di umano ay isa siya sa mga may mabubuting puso na tumulong sa mga pamilya na nasalanta ng bagyong Yolanda (Typhoon Haiyan) noong Nobyembere 2013. Ang 56 taong gulang na internet sensation ay isa din umanong abugado sa Thailand.



Sitang Buathong ang kanyang totoong pangalan at aminadio siya na siya ay isang tr@nsgender. Madalas man siyang kutyain ng karamihan dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan ay patuloy lang siya sa kanyang ginagawa na pagtulong sa kapwa at pagpapasaya sa mga ito sa pamamagitan ng kanyang mga viral videos.


Kamakailan lang ay bumisita si Mother Sitang sa Pilipinas at sinalubong siya ng kanyang mga fans sa airport. Magiliw din siyang inanyayahan sa mga TV shows sa bansa at game na game na nagpaunlak ng kanyang signature dance moves. Sa katunayan ay mayroong kumakalat na balitang baka isama siya sa mga future movies ni Vice Ganda.



Ganoon pa man ang pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino ay hindi maiiwasan na may mga taong hindi natutuwa sa kanya. Isa na dito si Wilbert Tolentino, isang Filipino manager. Sinasabi niyang hindi totong abugado si Mother Sitang at hindi din daw totoo na tumulong siya sa pamilya na nasalanta ng bagyong Yolanda. Naghain pa ng reklamo si Wilbert sa Korte at kinakasuhan si Mother Sitang ng ‘Persona Non Grata’ na ang ibig sabihin sa Ingles ay ‘person not appreciated’. Kapag ang kasong ito ay pinaburan ng hukom, hindi na kalian man makakapasok ng bansa si Mother Sitang.

Ang balitang ito ay ikinalungkot ng kanyang mga fans samantalang ikinasaya naman ito ng mga ‘bashers’.
Halos kasabay ng balitang ito ang pagbahagi ni Mother Sitang ng kanyang new look sa social media at lubos itong ikinagulat ng mga netizens. Kilala si Mother Sitang dahil sa kanyang mahabang buhok ngunit ngayon ay pinagupit niya ito na kasing ikli ng buhok ng mga lalaki. Nag-iba ang mukha ni Mother Sitang dahil sa new hairstyle niya at marami ang mga nasiyahan sa kanyang ginawa. Sabi pa ng ilan ay kayang-kaya daw maging macho look ni Mother Sitang.



Naging usap-usapan sa internet kung ano ang dahilan sa pagpapagupit na ito ni Mother Sitang ngunit hindi nagsalita ang Thailander patungkol sa dito. Hindi man malinaw sa kanyang mga fans sa ang kanyang ginawa ay pinuri padin nila si Mother Sitang.