Mga Kilalang Personalidad at Artista na Aminadong Niloko ng Kanilang mga Asawa

Kahit saang angulo tingnan ay maling-mali ang manloko ng iyong kapwa lalong-lalo na ng iyong asawa na iniharap mo sa altar at pinangakuang mamahalin habang buhay sa hirap man o sa ginhawa. Ngunit marami sa mga artista ang hindi nakakaiwas sa panloloko ng kanilang mga asawa at narito ang ilan sa kanila:

1. Lani Mercado

Ibinahagi ni Lani sa “Tonight With Boy Abunda” ang tungkol sa ibang babae ng kanyang asawang si Senator Bong Revilla. Nagkaroon di umano ng anak sa ibang babae si Senator Bong at lubos itong ikinalungkot ni Lani. Muntik na ngang maghiwalay ang magasawa ngunit ayon kay Lani,”The relationship rekindled after I lost my daughter, noong 1991. So it was very difficult for me because I just lost a child”.

2. Donita Rose

Ikinagulat ng aktres ang pag-amin ng kanyang asawang si Eric Villarama na meron itong ibang babae. Ang mas masak!t pa dito ay nangyari ang pag-amin sa araw mismo na ipinagdiriwang ang Valentine’s Day.



3. Sunshine Cruz

Ikinasal si Sunshine sa aktor na si Cesar “Boboy” Montano at simula ng ikasal sila ay hindi na tumigil ang mga balitang may ibang babae ang aktor.



Ayon pa kay Sunshine,” Dumating ‘yung point na pag may nababalitaan tayong may ganito sa set, merong hindi magandang nangyayari, nagkakaligawan, punta ako sa set, gusto ko hilahin ang buhok ng girl, pero hindi naman umabot sa ganoon. Si Buboy lang aawayin ko kasi hindi ko naman naabutan doon ang babae niya.”

4. Nikki Valdez

Sa isang interview sa kanya ng KrisTV ay inamin ni Nikki na mayroon ngang problema ang kanyang buhay may asawa. Naghiwalay sila ng kanyang asawa na si Christoph Lina na isang Filipino-Canadian. Nagkaroon sila ng anak na babae na ang pangalan ay Olive Isabel.


Nang tanungin kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa ay ito ang sagot ni Nikki,” Dito ko lang sasabihin ito, dito ko lang aaminin ang lahat because I want to be careful dahil bata pa ang anak ko, but yes, there was a third party in the relationship,” Valdez said.

5. Sunshine Dizon

Naibalita noon na naghain si Sunshine ng kaso na Anti-Vi0lence Against Women and Their Children Act of 2004 pati na rin concubnage sa kanyang asawa na si Timothy Tan at ang sinasabing third party nito na si Soriano-Sison. Ngunit din ito ni Sunshine at muli nilang inayos ang kanilang relasyon bilang magasawa.

Kaya naman sinasabi ng mga matatanda na hindi basta-basta ang pag-aasawa dahil matapos ang kasal ay napakarami pang pagsubok at temptations ang mararanasan ng mag-asawa. Kaya naman sa mga bagong kasal pa lamang diyan o sa mga nagkakalabuan na, huwag na huwag kayong maghanap ng iba dahil mas lalo lamang itong makakasira sa relasyon.