Nabahala ang mga Netizens na Sumusuporta kay Ai-Ai Delas Alas Matapos Itong Isugod sa 0spital!

Kamakailan lang ay nagbahagi ng isang video ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai Delas Alas sa kanyang Instagram account kung saan makikita na siya ay may dextrose at nasa hospital. Dahil dito lubos na nag-alala ang kanyang mga kaibigan sa industriya ng showbiz pati na din ang kanyang mga fans.



Sa kanyang post ay makikitang kasama niya ang kanyang anak na si Sancho Vito at ang mapapangasawa nito na si Shanna Retuy. May dextr0se man sa kamay ang aktres ay panay ang pag-pose nito sa camera na parang wala siyang nararamdaman.

Isinugod sa hospital ang aktres noong ika-27 ng Nobyembre at hindi malinaw kung ano ang dahilan. Ilang mga kilalang personalidad ang bumisita sa aktres habang nasa hospital siya at ang ilan naman ay nagpaabot ng kanilang suporta sa pamamagitan ng social media. Ilan na dito sina Zsa Zsa Padilla, Aiko Melendez, Ruru Madrid at Jay Gonzaga na pawing mga kaibigan ng aktres.

Sabi nga ni Jay Gonzaga ay “ Get well soon ate Ai. Laban. Water therapy is the best din.”



Sa kabila ng kanyang mahinang katawan ay sumisigla si Ai-Ai dahil sa kanyang pamilya, mga kaibigan at fans na walang sawang nagpapaabot ng pagmamahal sa kanya. Malaking tulong din sa paggaling ni Ai-Ai ang kanyang alagang aso na si “Sailor”.

“Sobrang na miss ko si Sailor kaya ginawaan ko ng paraan para bumaba para makita ko siya”, sabi ng aktres.

“Labyu bebe miss ka na ni mommy wag ka na malungkot nakita mo na ako hehe –at gusto niyang kainin ang dextrose ko”, pagbabahagi ni Ai-Ai sa kanyang Instagram account.



Ibinalita din ni Ai-Ai sa pamamagitan ng kanyang social media account ang magandang balita na makakalabas na siya ng hospital sa Huwebes ika-29 ng Nobyembre.

“Thank you sa aking napaka-cute at charming na Doktor Cham. Thank you din sa pag-alaga sa akin ang tagal ko pa dito hanggang Thursday pa nyek-gumaling na sana ako Lord.” – dagdag pa sa mga post ng aktres sa Instagram.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *