Naging Instant Celebrity ang Lalaking Ito na Nagselfie Kasama ang Kanyang Alagang Kalabaw na Todo Ngiti din sa Camera!

Ang ilan sa atin ay mahilig mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, ibon, isda, rabbit o iba pa mang hayop na paborito natin. Hangga’t maari ay sinasama natin sila sa mga lakad natin at pati na rin sa mga larawan na ating kinukuha.

Isang magsasaka galing sa Thailand ang naging viral sa social media ng magsimula siyang magbahagi ng kanyang larawan kasama ang kanyang alagang kalabaw! Oo tama ang inyong nabasa. Kasama nga ng magsasaka ang kanyang kalabaw sa selfie na larawan at makikitang nakatingin din ito sa camera!

Ang nasabing magsasaka ay si Surat Phaewgate na tubong Chainat Thailand at may alagang apat na kalabaw. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ni Phaewgate kaya naman napakahalaga sa kanya ng kanyang mga alagang kalabaw. Ngunit kakaiba daw talaga ang isa sa kanila na nakikipagsabayan pa sa kanya sa pag-pose at pag-ngiti sa harap ng camera.



Noong November 11 di umano ay hila-hila ni Phaewgate ang isa niyang kalabaw para ilagay sa lilim dahil oras na ng pahinga. Habang nagpapahinga din ang magsasaka ay naisipan niyang mag selfie. Noong nabagot na siya dahil puro mukha niya nalang ang nakikita niya sa kanyang cellphone, minabuti niyang isali ang kanyang kalabaw sa pag-selfie. Ikinagulat niya ang naging reaksyon nito dahil nakisama ang kalabaw sa pagkuha niya ng mga larawan at talaga namang magaganda ang kinalabasan ng kanilang selfie.



Natuwa si Phaewgate sa kinalabasan ng kanyang mga litrato kaya naman ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account na ngayon ay umaabot na sa mahigit kumulang 4,000 comments at naibahagi sa mga social media sites ng halos 30,000 na ulit.

Dahil sa ginawang ito ni Phaewgate, naging instant celebrity sila ng kalabaw niya at mayroon ding mga taong nagbigay ng donation sa kanya para mas lalo niyang maalagaan ang kanyang mga kalabaw lalo na ang isa na mahilig sa selfie. 


Mayroon din ba kayong selfie kasama ang mga alaga ninyo?Maari ninyo itong ibahagi sa comment box.