Naluha na Lamang ang Buntis na Ito Nang Sumakay Siya sa Bus at Pinaupo Siya ng Isang Gusgusin na Bata Kahit na Ito ay may Dala-dalang Importanteng Bagahe na Kailangan Niyang Ingatan

Sa panahon ngayon madalas mahusgahan ang isang tao dahil lamang sa kasuotan o panlabas na anyo. Kamakailan lang ay may isang balita na kumalat sa social media patungkol sa isang gusgusing bata at isang babaeng buntis.

Isang gusgusing bata ang sumakay sa bus kasama ang isang lalaki. May dala siyang isang basket at maingat niya itong kinalong habang nakaupo. Maya-maya ay may sumakay na babaeng buntis at tumayo ito malapit sa upuan ng bata. Tumayo ang gusgusing bata at ibinigay ang upuan sa babaeng buntis ngunit hindi ito umimik at tinitigan lang ang bata. Naisip ng bata na baka ayaw umupo ng babae dahil nadumihan niya ang upuan, kaya naman inilapag niya muna ang dala-dalang basket at kumuha ng panyo sa kanyang bulsa at ipinahid ito sa upuan.




Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa bus at namula ang mukha ng babae sa hiya. Matapos punasan ng bata ang upuan ay nagwika ito,”Maam, malinis na po ang upuan pwede na po kayo maupo.”

Sa hiya ng babaeng buntis ay nakayuko na lamang niyang tinanggap ang upuan. At habang nakatayo ang bata ay bigla huminto ang sasakyan kaya naman nawala ito sa balanse ngunit hawak hawak padin niya ang basket. Nakita siya ng isang matandang babae at sinabihan siya na isa siyang mabait na bata. Ngunit hindi sumang-ayon ang bata at sinabi nito “Maam hindi po talaga ako mabait. Madalas din po akong pagalitan ni Nanay dahil masyado ko daw pong iniisip kung ano ang sasabihin ng iba tungkol sakin.”



Nang tanungin ng matanda kung nasaan ang kanyang ina ay sinabi ng bata na nasa loob ito ng basket. Hindi makapaniwala ang matanda sa sinabi ng bata hanggang nagsalita na din ang lalaking kasama nito.

“Ako po yung Tito niya, sumakabilang buhay na po ang kanyang Nanay noong nakaraang taon nung nahulugan po ito ng steel bar sa pinagtatrabahuhan niya. Ako nalang po ang guardian ngiya ngayon kasi yung Tatay niya naman nasa ibang bansa may ibang pamilya na. Heto nga po at dala dala namin ang abo ng Nanay niya kasi lilipat po kami ng tirahan.”

Naluluha na pinapakinggan ng babae ang sinabi ng lalaki tungkol sa bata na ito. Kaya naman tinanong ng babae kung makakapagpatuloy ba ito sa pag-aaral. At sumagot naman ang lalaki na itutuloy ng bata ang kanyang pag-aaral.



Naawa ang mga pasahero sa bata at nais nilang bigyan ito ng tulong gayun na din ng mga libro dahil mahilig itong magbasa at mukhang napakabait pa nito.

“Stop caring what others think of you, be brave to make your own path.” Ito ang mga salitang iniwan ng ina sa kanyang anak at dahil dito ay palaging naalala ng bata na hindi niya dapat ikahiya na mahirap lang siya sa halip lagi niyang iniisip na balang araw ay makakamit niya din ang mga pangarap niya.