Tignan ang Sikat na Sikat na Pinsan ni Daniel Padilla Dahil sa Kanyang Kagandahan na Pang-Artista!

Marami ang nakakakilala kay Daniel Padilla hindi lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan kundi dahil na din sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagkanta. Marahil ay namana niya ang galing na ito sa kanyang Ina na si Karla Estrada na kilala din bilang magaling na mang-aawit.

Kamakailan lang ay naging viral din sa social media ang kanyang pinsan na si Analain Lim dahil sa kanyang taglay na kagandahan. Sa katunayan ay umabot na sa mahigit 900,000 ang kanyang mga followers sa Instagram. Nakuha niya ang atensiyon ng mga netizens dahil sa kanyang fabulous fashion statement at sa batang edad nga ay parang isang modelo na siya sa kaniyang mga pose sa harap ng camera.


Kaya naman kahit na 23 lang ang mga litrato niya sa kanyang Instagram account ay padami ng padami ang kanyang mga followers at nag-aabang ng mga susunod niyang posts. Nagsimula siyang mag post ng larawan sa Instagram noong buwan ng Mayo ng nakaraang taon. Napabilang din siya bilang isa sa mga tinatawag nilang “famous Instagram Star”.




Ang kanyang mga magulang ay sina Alain Sison at Ana Marie Lim. Ipinanganak siya noong December 2, 2002 at sa kasalukuyan ay malapit na siyang maglabing-anim na taong gulang. Nag-aaral siya sa Mirriam College. Ito lamang ang mga impormasyon na nalaman namin tungkol kay Analain.




Sa ibang mga larawan na kumalat din sa social media ay makikitang malapit ang pamilya nila at pamilya ni Daniel Padilla. Sa katunayan ay madalas silang magkita-kita lalo na kapag pasko o di kaya naman ay may mga family gatherings. Nagkaroon na din ng pagkakataon na magkita sina Analain at Kathryn Bernardo ng minsan itong sumama kay DJ sa isang family gathering nila.



Hangga’t maari di umano ay ayaw ni Analain na banggiting pinsan siya ni Daniel Padilla dahil ayaw niyang maging sikat dahil lang actor ang pinsan niya. Hindi daw mahalaga sa kanya nag kasikatan at ginagawa niya lang kung ano ang mga bagay na magpapasaya sa kanya kaya naman ikinagulat niya ang sunod-sunod na pagdami ng kanyang followers sa Instagram.