Isang Babae Sa China ang Nakaranas Ng Eye Str0ke Dahil Sa Panonod ng Drama Series Buong Linggo!

Sa panahon ng mahabang holiday o di kaya naman ay walang pasok sa trabaho o sa paaralan, karamihan sa atin ay ninanais na lumabas ng bahay para mamasyal kasama ang ating mga pamilya o di kaya naman ay mga kaibigan. Kumain, mag-shopping o di kaya naman ay mamasyal sa ibang lugar ang madalas gawin ng ilan para makapag-relax mula sa trabaho o sa pagaaral. Ngunit may mga tao naman na mas nanaisin pang magpaiwan sa bahay at manood nalang ng kanilang mga paboritong pelikula o drama series at magpa-deliver nalang ng kanilang paboritong pagkain. Ganito ang paraan ng kanilang pagrerelax.




Samantala kamakailan lamang ay may isang babae mula sa China ang napabalitang nakaranas ng eye str0ke dahil lang sa panood ng kanyang paboritong drama series! Ating alamin kung bakit ang simpleng pagrerelax na ito ay nauwi sa isang sak!t.

Ang babae ay nakilala bilang si Ting. Dahil mahaba ang holiday sa China dulot ng National Day na nasundan pa ng tatlong sunod-sunod na public holidays, minabuti ni Ting na mag-binge watch ng kanyang paboritong drama series na “The story of Yanxi Palace”. Mayroon itong 70 episodes at bawat isa sa mga ito ay nagtatagal ng humigi’t kumulang na 45 minutes.



Natapos ni Ting ang panood ng drama series sa loob lamang ng pitong (7) araw at nagpapahinga lang siya para magbanyo at hindi na natutulog! Masaya si Ting na natapos niya ang panood ng paboritong drama ngunit noong ika-7 ng Oktubre ay may naramdaman siyang kakaiba sa kaliwa niyang mata. Naging malabo ang kanyang paningin at ang nakikita niya lamang ay mga anino ng tao o bagay gamit ang kanyang kaliwang mata. Sa pag-aalala ay pumunta siya sa doctor para magpagamot.

Matapos ang pagpapatinging ni Ting sa doctor ay nalaman niyang mayroon siyang Anterior Ischemic Optic Neuropathy (AION) o di kaya naman ay eye str0ke. Ito ay sa sanhi ng matagal na paggamit ng ating mga mata ng walang pahinga kaya naman hindi nakakadaloy ng maayos ang dugo sa ating mata. Sa kaso ni Ting, nakuha niya ang sak!t dahil sa lubos na pagtatrabaho gamit ang laptop at panood ng mahabang oras. Malaking dahilan din ang pagkatuyo ng mga mata nito dahil sa aircon habang nanonood o nagtatrabaho.


Lubos na nalungkot ang babae sa kanyang nabalitaan. Mabuti nalang ay naagapan ng mga doctor ang kanyang kondisyon at sa kasalukuyan ay ginagamot nila si Ting.

Ipinapayo ng mga doctor na magkaroon ng at least 30 minutes break an gating mga mata kapag gumagamit tayo ng computer o smartphone para maiwasan ang eye str0ke at iba bang sak!t sa mata.