Narito ang Ilang Pinay Celebrities na Na-Link kay Coco Martin na Kinilig ang mga Netizens!

Kilala ng halos lahat si Coco Martin o mas sikat ngayon sa tawag na “Cardo”, Isa siyang Gawad Urian award-winning actor, martial artist at stuntman dahil sa kanit ano mang action series ang ipalabas sa tv at nandoon siya, tumatagal ang tv series na iyon sa telebisyon.




Sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan, mayroon at mayroong mga babaeng maiuugnay sa kanyang pangalan. Bilang isang action star, siya ngayon ay isa sa mga “most eligible bachelors in the world of show business” at na-linked na sa iba’t ibang naggagandahang leading lady sa showbiz tulad nina:

1. Katherine Luna

Noong 2005, nagkaroon ng movie si Coco na pinamagatang Masahista. Na-link siya kay Coco Martin matapos niyang sabihin sa lahat na si Coco ang ama ng kanyang anak pero tinanggi ito ni Coco at sinabing hindi man siya nagkaroon ng seryosong relasyon rito.



2. Angeline Quinto

Naalala mo ba noon ang kinanta ni Angeline Quinto na “kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang si Coco Martin.”? 2012 nang nagkatrabaho sila ni Coco para gawin ang pelikulang Born to Love You at sa kanyang interviews sinasabi ni Angeline na meron silang “special relationship” ni Coco pero nang si Coco ang tanungin sinabi niya magkaibigan lang daw sila ni Angeline.

3. Maja Salvador

Ang love team nila ni Coco ay nagsimula sa Minsan lang Kita Iibigin at simula noon kapag tinatanong na si Maja sinasabi niyang kung hindi niya karelasyon si Matteo Guidicelli nang oras na iyon, baka sila n ani Coco. Matapos noon, nagkaroon ng issue na nag-away si Matteo at Coco dahil sa kanya pero nakaayos rin naman matapos ang isang taon.


4. Julia Montes

Magmula 2012 hanggang ngayon, rumored girlfriend umano ni Coco si Julia pero pareho silang tikom ang bibig kng tatanungin ano ang status nila. Una silang nagkatrabaho sa Walang Hanggan noong 2012. Sa mga interview lang nila kamakailan, inamin ni Julia na inspirasyon nya si Coco habang espesyal naman daw si Julia para kay Coco.

5. Yassi Pressman

Si Yassi ngayon ang leading lady ni Coco sa ‘Ang Probinsyano’ na kung saan siya ang asawa nito. Ang kanilang tandem ay mabilisang sumikat dahil sa kanilang chemistry. Naging mas close pa lalo sila ngayon dahil lagi silang magkasama para sa shoot ng kanilang teleserye halos araw-araw.