Kilalanin ang Gwapong Bunsong Anak ni Francis Magalona na si Arkin Magalona!

Kilala ng halos lahat ng Pilipino si Francis M dahil sa kanyang mga naiambang sa mundo ng showbiz at lalong-lalo na sa mundo ng musikang Pilipino. Kaya naman marami ang nalungkot sa pagkawala nito. Maraming anak ang naiwan ni Francis ng siya ay pumanaw at isa na sa mga ito si Arkin ang pinaka-bunsong anak niya sa kanyang asawa na si Pia Arroyo. Ilan sa kanyang mga nakakatandang kapatid ay sina Maxene na kilala bilang isang artista at si Saab naman na kilala sa kanyang musika at banda.


Ipinanganak si Arkin noong ika-9 ng Oktubre taong 1999 at noong nakaraang buwan ay pinagdiwang niya ang kanyang ika-labing-siyam (19) na kaarawan kasama ang kanyang mga kapatid at ina na si Pia. Nag-aaral si Arkin sa Montessori Integrated School sa Antipolo at marami ang nagsasabing kahawig siya ng kanyang kuya na si Elmo Magalona, isa ding artista.




Umani ng maraming followers sa instagram si Arkin hindi lamang dahil sa kanyang magandang mukha kundi pati na din sa kanyang mga talento. Kagaya ng kanyang amang si Francis M ay magaling din itong mag-rap. Isa din siyang magaling na host at pinatunayan niya ito noong 2013 ng mag-host siya sa programang “Tang Galing Mo Kid”.



Lumaking malapit si Arkin sa kanyang ama kaya naman madalas niyang ma-miss ito at sa katunayan ay ipinapakita niya sa kanyang social media account kung gaano niya nami-miss ang kanyang yumaong ama na si Francis M.

Nang tanungin kung gusto niya bang pumasok sa pag-aartista ay open naman daw siya sa mga magiging future offer sa kanya ng showbiz industry pero sa ngayon ay gusto niya lang i-pursue ang pag-aaral niya at sundan ang yapak ng kanyang ama sa pagkanta at pag-rap.


Sabi pa nga ni Arkin,”Oo, nafi-feel ko naman na parang humahabol din ako sa dad ko sa singing and rapping. Ako kasi, gusto kong i-follow iyong sarili ko, gusto ko to make a difference, pero pina-follow ko parin iyong footseps ng dad ko.”

Sa ngayon ay marami na ding fans si Arkin kahit hindi pa man siya nagdedesisyon na maging artista. Masaya din si Arkin sa kanyang karaawan dahil kahit wala na ang kanyang ama ay ramdam na ramdam pati nito ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga kapatid lalo na ng kanyang Ina.