Ipinasilip ni Pokwang ang Kanyang Malaking Bahay sa Antipolo!

Si Marietta Subong ay ipinanganak noong August 27,1960 at mas kilala siya sa pangalang “Pokwang”. Pang-siyam (9) siya sa labindalawang (12) magkakapatid at dahil mahirap ang buhay habang siya ay lumalaki, sa edad na 17 ay nagdesisyon siyang pumunta ng Japan para magtrabaho bilang choreographer.




Sa pamamagitan ng kanyang trabaho ay nakapag-ipon siya at nakatulong sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Nasubukan din niyang magtrabaho sa Abu Dhabi ngunit kinailangan niyang bumalik agad sa Pilipas dahil sa pagpanaw ng kanyang lalaking anak na si Shin. Hindi na nakaalis pa ng bansa si Pokwang simula noon at sumali siya sa isang reality show ng ABS-CBN na “Clown in a Million” noong 2004. Dahil sa angking talento ni Pokwang sa pagpapatawa ay siya ang hinirang bilang grand champion.



Ngayon ay isa ng artista, host at comedyante si Pokwang. Matagumpay na din ang kanyang buhay maging ang kanyang showbiz career at dahil dito ay marami siya naipundar na mga properties kagaya na lamang ng kanyang apat na palapag na bahay sa Antipolo City na kanyang ipinasilip sa press.


Bago pa man sila lumipat sa bagong bahay sa Antipolo ay tumira sila sa may maliit na bahay na dalawang palapag lang. Ayon kay Pokwang mas ginusto niyang tumira sa maliit na bahay para mas nababantayan niya ang kanyang ina na may “Alzheimer’s d!sease”.



“Sa dating bahay kasi, nasa third floor ako tapos si mama sa baba. Ang daming stories nga diba na nakakaalis na si mama ng room niya. Malalaman na lang naming, nasa guard house na. Itong bagong bahay mas tight ang security, lola-friendly, and hindi kataasan.”sabi ni Pokwang sa interview.

Sa kanilang bagong bahay sa Antipolo ay may mga alagang “Koi” fish si Pokwang at mayrooon din siyang lap pool kung saan siya madalas nag i-ehersisyo. Ang mga dingding at kisame ng kanyang bahay ay may mga kulay na orange, brown at green dahil ito daw ang mga lucky colors ni Pokwang. Samantalang sa kanyang master’s bedroom naman ay makikita ang upholstered Pewter Wingback na headboard.

Tunay ngang malayo na ang pagkakaiba ng buhay ni Pokwang ngayon kumpara sa noong siya ay bata pa. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay sa buhay ay nananatili padin siyang mapagpakumbaba at sa katunayan nga ay kinagigiliwan ng mga followers ni Pokwang sa Instagram ang kulitan nila ng kanyang kasambahay na si Jackie.