Nakababatang Kapatid ng Aktres Na Si Lovi Poe, Sikat sa mga Netizen Dahil sa Kanyang Ganda!

Kilala ng marami si Lovi Poe bilang isang magaling na artista at modelo. Tinatawag siya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa pangalang Lourdes Virginia Moran Poe. Siya ang anak ng tinaguriang “King of Philippine Movies” na si Fernando Poe Jr. kay Rowena Moran. Marami siyang mga pelikula na kumita ng malaki sa takilya at mga TV shows na talaga namang sinubaybayan ng mga manonood.




Kilala din si Lovi Poe sa social media at maraming netizen ang sumusubaybay sa mga susunod niyang post sa Instagram. Sa mga hindi nakaka-alam, si Lovi Poe ay may nakababatang kapatid na babae at siya ay si Mariel Tung.


Si Mariel ay kapatid ni Lovi Poe sa kanyang ina na si Rowena Moran. Tinatawag siya ng kanyang malalapit na kaibigan bilang si “Yela”. Mahilig siyang magluto at mag-bake at sa katunayan ay nagtatrabaho siya bilang isang assistant chef sa isang kilalang restaurant sa San Francisco.



Maliban sa pagluto ay mahilig din sa arts si Yela. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang isang anak na lalaki at masaya siya sa kanyang pagiging ina. Ganoon pa man ay wala paring kupas ang ganda ni Yela at marami sa mga netizens ang nagsasabing hawig siya sa kanyang ate na si Lovi Poe. Nagmana ang dalawa sa ganda ng kanilang ina na si Rowena Moran.


Nagkakasundo ang dalawa sa maraming bagay kaya naman malapit sila sa isa’t isa. Kagaya ni Lovi Poe ay mahilig din sa beach si Yela at kitang-kita sa kanyang mga Instagram post ang ganda ng katawan nito lalo na kapag naka suot ng bathing suit. Mayroon din itong tattoo sa kanyang katawan kagaya ng kanyang ate na si Lovi Poe.



Hindi man madalas na nagkikita sina Lovi at Yela ay madalas naman silang nagkakausap sa pamamagitan ng social media at naglalaan din ng panahon ang dalawa para makapag-travel na magkasama.

Marami sa mga netizens ang nagsasabi na pwedeng pwedeng mag-artista si Yela. Ngunit ayon sa dalaga ay masaya siya sa kanyang buhay ngayon bilang assistant chef at ito daw talaga ang kanyang passion. Handa din naman umano siya kung sakaling may magbukas na opportunity sa showbiz industry.