Tatlong Taong Gulang na Bata, Kaya ng Magluto ng Pagkain Para sa Kanyang Sarili at sa Kanyang mga Kaibigan!

Madalas nating marinig ang kasabihan na “age is just a number” at totoo naman ito dahil marami na din ang nagpatunay na hindi hadlang ang edad ng tao para magawa ang isang bagay lalo na kapag ito talaga ang nais niyang gawin. May nakikita tayong matatanda na nakaka-akyat pa ng bundok o di kaya naman ay nagagawa ang mga bagay na ginagawa nila noong kabataan pa nila. Sa kabilang banda may nakikita naman tayong mga kabataan na humahawak na ng sarili nilang kompanya at aakalain mo na matanda na sila dahil sa galing nila sa trabaho.




Sa panahon natin ngayon mapapansin din na maaga palang ay tinuturuan na ng mga magulang ang kanilang mga anak kahit na ito ay sanggol pa lamang. Sa katunayan ang ilang mga bata ay nahuhubog ang kanilang angking talento sa murang edad dahil na din sa suporta ng mga magulang. Pinapasali nila ang mga ito sa workshop ng pagkanta, pag-arte o di kaya naman ay pagsasayaw.


Kamakailan ay isang video ng bata ang naging viral sa social media dahil nagawa niyang makapagluto ng pagkain niya at ng kanyang mga kaibigan kahit na siya ay tatlong taong gulang pa lamang!



Makikita sa video na abalang-abala ang bata sa pag-aasikaso ng kanyang lulutuin na kanin at fish curry. Nandun din sa lugar ang kanyang mga kaibigan na tumutulong sa preparasyon. Una ay makikitang nililinisan niya ang mga isda at tinatanggalan ng kaliskis na parang naglalaro lang. Maya-maya pa ay buhat-buhat na ng bata ang isang kaserola na may lamang mga spices na inihanda na ng kanyang magulang para sa kanya. Ipinatong niya ito sa batong lutuan na ginagamitan ng kahoy para mag-apoy.

Ang bata na din mismo ang nagsisigurado na sapat ang apoy na meron ang lutuan para maluto ang kanilang pagkain. Tinikman ng bata kung luto na ba ang kanilang ulam at inihain na niya ito sa kanyang mga kaibigan na kanina pa nag-aantay.



Lubos na ikinamangha ng mga netizens ang kanilang nakita dahil karamihan sa kanila ay aminadong kahit na pagluluto ng kanin ay hindi nila kayang gawin. Kaya naman marami ang saludo sa batang ito na naging viral sa social media.
Kaya naman sa susunod na may magsabi sayong “masyado ka pang bata para gawin ang isang bagay”, maari mong ipakita ang video na ito ng bata na sa edad na tatlo ay nakakapagluto na ng pagkain niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *