Kilalanin Ang Ilan Sa Mga Kilalang Personalidad na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Ang buhay natin dito sa mundo ay hindi permanente. May mga batang isinisilang samantalang mayroon din namang namamatay. Mayroong ding mga tao na lumaking mahirap at yumaman samantalang mayroon namang mga mayayaman na naghihirap. Sadyang ganoon na talaga ang buhay umpisa pa lamang. Kaya nga nasasabi ng ilan na, “Ang buhay ay parang gulong minsan nasa itaas ka, minsan naman nasa ibaba ka na”.

Kahit mga artista ay nakakaranas din ng ganitong mga pagbabago sa buhay nila. Narito ang ilan sa kanila na matapos maranasan ang marangyang buhay sa showbiz ay naghihirap na ngayon.



1. BB Gandanghari

Ipinanganak siya noong ika-4 ng Setyembre 1967 at isa siya sa mga kapatid ni Robin Padilla. Ang tunay niyang pangalan ay Rustom Carino Padilla. Isa siyang artista, modelo at director. Noong 2009 ay naglantad siya sa publiko ng kanyang tunay na pagkatao at nagpalit ng pangalan na BB Gandanghari. Pumunta din siya sa ibang bansa para isagawa ang transgender process. At matapos ito ay napabalitaan ding pumunta siya ng Amerika para sa pangarap na pagpasok sa Holywood at ipagpatuloy ang kanyang career sa showbiz ngunit nahirap siyang makipagsabayan sa ibang mga international actors. Kung noon ay laging laman ng balita si BB Gandanghari, ngayon ay hindi na alam ng publiko kung ano ang nangyari sa kanya matapos niyang maglantad ng kanyang pagkatao ngunita ayon sa kanyang kapatid na si Robin Padilla, siya ngayon ay nagtatrabaho bilang isang Uber driver.



2. Deborah Sun

Ang tunay niyang pangalan ay Jean Louise Porcuna Salvador. Ilan sa kanyang mga pelikulang talaga namang tumatak sa mga manonood ay ang “Pasan ko ang daigdig” noong 1987 at “Temptation Island” noong 1980. Hindi lingid sa publiko ang kanyang mga pinagdaang hirap kahit pa man nasa showbiz industry pa siya. Nasangkot siya sa droga, kinasuhan ng estafa,na-aresto dahil sa mga tumalbog na tseke at nakulong. Ilan lamang yan sa mga pinagdaan ni Deborah. Samantala ang ilan niya ding mga anak ay nakakulong din dahil sa droga. Sa kasalukuyan ay nasa rehabilitation center si Deborah para magbagong buhay.



3. Mystica

Siya ay Ruby Rose Mauanay Villanueva at mas kilala bilang si “Mystica”. Sumikat dahil sa pagsasayaw at galing sa pag-arte si Mystica. Tinagurian din siyang ‘Split Queen” dahil sa kanyang signature moves sa pagsasayaw. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay “D’Uragons” noong 2002. Naging maganda ang buhay ni Mystica dahil sa tagumpay ng kanyang career ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay unti-unti siyang naghirap at naubos ang kanyang mga naipong pera. Ayon pa sa aktres ay nilalayuan siya ng kanyang pamilya dahil sa kanyang sitwasyon.