Kilalanin Natin Ang Ilan sa mga Sikat na Artista Noon na Walang Kupas Parin ang Ganda!

Ang mukha ang isa sa mga pinaka-inaalagaang parte ng ating katawan lalong-lalo na ng mga kababaihan.Ito ay marahil na din sa paniniwalang ang pagkakaroon ng magandang mukha ay nagbubukas sa magandang oportunidad sa buhay. Sa katunayan ayon sa mga eksperto ang maayos na pangangalaga ng ating mukha ay makakatulong para mapanatili natin ang pagkabata at magandang anyo nito.




Narito ang ilan sa mga kilalang personalidad na kahit sa tinagal-tagal ng panahon ay nananatili padin nq maganda at hindi kumukupas ang kanilang awra:

1 Maggie Dela Riva

Si Ms. Maggie Dela Riva ay 76 taong gulang na sa kasalukuyang at siya ay isa sa mga veteranang aktres ng ABSCBN. Nagkapagtapos din siya training ng secretarya sa St. Therese College.

2. Anita Linda


Si Ms. Anita Linda ay 93 taong gulang na sa kasalukuyang at nagumpisa ang kanyang pagaartista noong 1940’s. Dahil sa galing niya sa pagarte ay nagwagi siya ng dalawang beses sa FAMAS awards at Gawad Urian awards.


3. Delia Razon

Si Ms. Delia Razon ay 87 taong gulang na sa kasalukuyan. Maganda ang kanyang showbiz career at mas lalo pa itong naging makulay ng malatambal niya si Rogelio Dela Rosa sa mga palabas simula noong 1940’s.


4. Barbara Perez

Si Ms. Barbara Perez ay tinagurian bilang Audrey Hepburn ng Pilipinas. Sa kasalukuyan ay 80 taong gulang na siya at lumalabas padin sa iba’t ibang proyekto sa telebisyon. Nagsimula ang kanyang showbiz career noong 1950’s at nagkaroon din ng pagkakataon na Hollywood film noong 1960’s.

5. Pilita Corrales

Si Ms. Pilita Corrales ay isang aktres at singer na ngayon ay 79 taong gulang. Tinagurian din siya bilang Asia’s Queen of Songs.Marami ang nagsasabi na kamukha apo niya na si Janine Guttierez na isa ding aktres.

6. Rosa Rosal

Ms. Rosa Rosal ay kasalukuyang 87 taong gulang. Naging artista noong 1940’s at simula nito ay marami siyang natanggap na parangal dahil sa pagarte.

7. Susan Roces

Ms. Susan Roces ay 77 taong gulang na at kilala natin siya dahil gabi-gabi siyang napapanood sa ‘Ang Probinsiyano’.

8. Gloria Romero

Ms. Gloria Romero ay 84 taong gulang na sa kasalukuyan at nanalo siya bilang Best Actress dahil sa pelikula niyang ‘Tanging Yaman’.

Ilan lamang sila sa mga kilalang personalidad na hanggang ngayon ay walang kupas ang ganda at patuloy na nag-aambag sa mundo ng showbiz.