Madalas na Nakikita ng mga Netizen ang Kasamang Babae ni James Reid, Ito Pala ang Kanyang Napakagandang Kapatid na si Lauren Reid!

Isa si James Reid sa may magandang mukha sa mundo ng showbiz at talaga namang madami ang kanyang mga taga hanga mapababae o mapalalake man. Maliban sa kanyang magandang mukha ay magaling din kumanta at sumayaw ang aktor. Kasintahan niya si Nadine Lustre na isa ding aktres, singer at dancer.




Marami ang natatanong na netizens kung sino ang ibang babae na madalas kasama ni James maliban kay Nadine na makikita sa kanyang mga larawan sa social media.

Ang babaeng ito pala ay walang iba kundi si Lauren Reid ang kapatid ni James Reid. Makaiba man ng Ina ang dalawa ay lumaki silang malapit sa isa’t isa. Ipinanganak si Laureen sa Caloocan noong 1993 at noong taon ding yaon ipinanganak si James Reid!


Lumaki sa Australia si Laureen at doon na din siya nagaral. Ilan sa kanyang mga pinag-aralan ay negosyo, legal studies,art at tourism. Hilig daw talaga niya ang mag-aral ng mag-aral.

Noong taong 2016 ay nagbukas ang oportunidad kay Lauren para pumasok sa showbiz industry kagaya ng kanyang kapatid na si James. Pumirma siya ng kontrata sa ilalim ng Viva Entertainment noong buwan ng Hulyo taong 2016. Kaparehas niya ng ahensiya sina Vice Ganda, Nadine Lustre at Anne Curtis Smith – Heussaff.



Bilang preparasyon ay nagsasanay sa pagsasalita ng wikang Tagalog si Lauren at ilan nga din sa kanyang mga sinalihang workshop ay ang pagsasayaw at makikitang madalas niya itong bahagi sa kanyang Instagram account. Ilan lamang sa mga naging proyekto niya ay ang pagiging modelo ng mgakilalang brands kagaya ng L’Oriel cosmetics,Nike Philipines, LG Philippines, Folded and Hung at Whisper Napkins.

Suportado ng kapatid niyang si James si Lauren at noong matuklasan nitong nag-sign contract na siya sa Viva Entetainment ay isa si James sa mga bumati sa kanya sa social media at nagpost ng picture ng dalaga na may caption na ” Look out for the new IT GIRL”. Lubos itong ikinatuwa ni Lauren at sinabing “It’s really flaterring and I don’t know if I totally agree with it”.

Tunay ngang maganda at maraming talento itong si Lauren kaya naman kahit hindi pa siya ganoon katagal sa industriya ay marami na siyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.