Muntik ng Mahubaran ng Isang Unggoy ang Turista Habang Namamasyal Sa Thailand Dahil sa Ginawa Nito

Masarap sa pakiramdam ang pagbisita sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan lalo na sa ibang bansa. Isa itong paraan para makakilala ka ng ibang tao mula sa ibang lahi o di kaya naman ay makatikim ng kanilang kakaibang mga pagkain. Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang ipinagmamalaking magagandang tanawin o pasyalan kaya naman nagiging masigla ang turismo sa buong mundo.




Isa na sa mga bansang madalas puntahan ng mga turista ay ang Thailand. Sagana ito sa mga likas na yaman kagaya ng Pilipinas kaya naman madalas itong puntahan lalo ng ng mga turista galing sa Amerika at Europa.

Sa panahon ng ating pamamasyal ay hindi maiiwasan na may mga hindi inaasang pangyayari kagaya na lamang ng nangyari sa isang babaeng turista na si Brittany Bowman. Namamasyal noon ang babae sa Chiang Mai City sa Thailand kung saan popular ito dahil sa maraming mga unggoy sa paligid. Habang naglalakad ay nagulat si Brittany ng may isang maliit na unggoy ang lumapit sa kanyang paanan kaya siya napahinto. Maya-maya pa ay unti-unti itong umakyat sa kanyang binti at hinayaan lang ito ni Brittany habang naghihintay kung ano ang gagawin sa kanya ng unggoy. Nang maabot niya ang damit ng babae ay bigla niya itong hinablot kaya naman muntik ng mahubaran si Brittany na nakasuot ng off-shoulder na damit. Mabuti nalang ay mabilis na naiangat ng babae ang kanyang damit at hinila na din ng may-ari ang alaga niyang unggoy bago pa man may mangyaring hindi maganda sa turista.



Nagtawanan si Brittany at ang kanyang kaibigan.“It left all of us laughing hysterically almost to the point of tears. I was just so scared that the monkey was jumping on me that I didn’t even consider it would pull my top!”, pahayag ni Brittany.



Ayon sa may-ari ng unggoy ay marahil naghahanap ng gatas ang batang unggoy kaya naman naisipan niyang hablutin ang suot na damit ni Brittany. Samantala, humingi ito ng paumanhin sa babae dahil sa inasal ng kanyang alaga. Hindi naman nagalit si Brittany at sinabi pang “ It was all just so random. I’m just glad we caught it on camera.”

Nakuhanan ng video ng kaibigan ni Brittany ang nangyari sa kanya at naibahagi ito sa social media. Mabilis na kumalat sa social media ang video na ito at umani ng maraming nakakatawang reaksyon at komento.
Ikaw ano ang masasabi sa di inaasahang karanasan na ito ni Brittany?