Viral ng Larawan ng Isang Ama na Ito na Umantig sa mga Puso ng mga Netizen na Kahit Hirap sa Pagbubuhat ay Hawak pa rin ang Kanyang Anak!

Ang pagmamahal ng isang ina para sa ilan ang pinakadakilang pagmamahal ngunit hindi ito laging totoo, minsan dakila din ang pagmamahal ng isang ama para sa kanyang mga anak. Kamakailan nga ay isang larawan ang muling naging viral sa social media dahil sa kakaiba nitong mensahe sa publiko. Makikita sa larawan ang isang ama na may pasan-pasang mabigat na bagahe hawak ang isa niyang kamay habang nakapatong ito sa kanyang likuMr. Ran. Samantala ang isa niyang kamay ay nakahawak sa braso ng kanyang anak na lalaki na inaalalayan niya pababa sa hagdan.




Ang larawang ito ay nakunan ng isang reporter na si Xu Kangping sa lugar ng Chongqing, China, isa sa mga malalaking siyudad sa timog na bahagi ng Tsina kung saan halos 30 milyong tao ang nakatira. Si Mr. Ran ang lalaking makikita sa larawan at nagtatrabaho siya bilang isang porter sa palengke ng Chongqing samantalang ang kanyang asawa naman ay nagtatrabaho sa isang restaurant.

Pitong (7) taon na ang lumipas ng makunan ng larawan ang mag-ama at kumalat nalang ito muli ngayong taon dahil sa pagdiriwang ng Father’s Day. Noong panahong iyon ay apatnapu’t isang (41) taon pa lamang si Mr. Ran at tatlong (3) taon naman ang kanyang anak na si Ran Junchao. Hindi maaring isam a sa trabaho ng kanyang misis ang kanilang anak kaya naman, isinasama ito ni Mr.Ran sa kanyang trabaho kahit na mahirap.


Lubos na namangha ang reporter sa kanyang nakitang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak at sinabing, “ Mr. Ran is one of the most ordinary labourers in China. However, what’s extraordinary of him is his genuine and great love for his son under the most difficult circumstances.”

Nang tanungin naman si Mr. Ran kung gusto na ba niyang magpahinga sa pagtatrabaho ay ito ang kanyang naging sagot,” As a father, I would never complain no matter how busy and tiring my work is.” Sinabi niya pang gugustuhin niya pang magtrabaho sa susunod na 20 taon para lamang masiguradong mabibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang anak.
Ngayon ay 48 taong gulang na si Mr.Ran at patuloy padin siya sa pagbubuhat ng mga bagahe at kumikita siya ng 250 Yuan (USD 38) sa loob ng isang araw.


Tunay ngang maari ding matawag na dakila ang pagmamahal ng isang ama para sa kanyang anak kagaya na lamang ng ipinamalas ni Mr.Ran na palihim namang nakuhaan ng larawan ng isang reporter at naibahagi sa publiko.
Ano ang masasabi mo sa katangian ni Mr.Ran bilang isang ama?

source: en.goodtimes.my