Ang Cute! Aliw na Aliw ang mga Netizens nang Makita Nila ang Pusa na Ito na Nagtitinda ng Isda!

Ang palengke ay isang lugar kung saan ka makakakita ng iba’t ibang uri ng mga pagkain na kailangan mo lalong-lalo na sa pagluluto. Bawat tindera ay may kani-kaniyang pakulo upang magkaroon ng benta sa buong araw. Ang ilan ay nagbibigay ng mga promo samantalang ang iba naman ay may mga display na talaga namang nakaka-akit ng mga mamimili. Isang tindera nga ang naging viral sa social media hindi lamang dahil sa kakaiba nitong suot kundi dahil hindi siya isang tao, kundi isa siyang pusa na ang pangalan ay “Dog”! Tama ang inyong nabasa may isang pusa na nagtitinda sa palengke kasama ang kanyang amo at nakasuot ito ng iba’t ibang costume na talaga namang kinagiliwan ng mga taong dumadaan.




Si Le Quoc Phong ang may-ari ng pusa na si “Dog” at nakatira sila sa Vietnam. Malaking tulong sa negosyo ni Le ang pusa. Dahil dito ay mas dumami ang kanyang mamimili at naging sikat na din sa social media. Naging libangan na ni Le ang pagbibihis ng iba’t ibang custome sa kanyang alagang pusa na talaga namang kinagiliwan ng mga tao kahit ng kanyang mga katabing tindahan sa palengke. Maliban sa pagtitinda ng isda ay binabantayan din ni Dog ang mga gulay at karne na ilan lamang sa paninda ng kanyang amo.



Maraming netizens ang naaliw sa larawan ni Dog simula ng maibahagi ang kanyang unang larawan sa Twitter. Maliban sa pagpapangalan ng “Dog” (aso) sa isang pusa ay kinagiliwan din nila na ito ay nagbabantay at nagtitinda ng mga isda sa palengke. Dahil dito ay umabot na sa halos 100,000 ang mga followers ni Dog sa Instagram at lalo na sa Facebook.

Ayon kay Le, nakita niya si “Dog” na palakad lakad sa kalye at hingal na hingal dahil sa tirik ang araw. Naawa siya sa pusa kaya naman inuwi niya ito sa kanyang bahay at inalagaan. Pinangalanan niya itong Chò na ang ibig sabihin sa wikang tagalog ay “Aso”, dahil hingal aso daw ito ng kanyang makita sa kalsada. Napamahal na din sa kanya ang pusa at panay ang sama nito sa kanya sa palengke. Si Chò ay tatlong taong pusa na may lahing Scottish fold na ngayon ay sikat na sa hindi lamang sa palengke ng Vietnam kundi pati na sa social media.



Ibinahagi din ni Le sa BuzzFeed ang kwento kung panao niya nakita si Dog at sinabing, “ It was really hot the day I adopted Dog and he was breathing like a dog, so that’s how he got his name. My goal is to make Dog famous. I want to promote Dog in Vietnam for people to know more about our country.”

Maraming mahihilig sa pusa ang nagnanais na makapasyal sa Vietnam at makita si Chò. Ikaw, ano ang masasabi mo sa pusa na nagtitinda ng isda?

 

source: nobledrift