Kilalanin ang Ilan sa mga Pinakamayaman na Pilipinang Kababaihan sa Mundo ng Showbiz

Talaga nga namang malaki ang kinikita ng bawat artista sa Pilipinas dahil sa kanilang kabilaang mga acting, guesting at mga upcoming movies. Kaya naman sa artikulong ito, ibabahagi namin sainyo ang mga pinakamayaman na babae na kilala ng madla dahil sa showbiz career.




1. Kris Aquino

Siya ay isa sa mga may pinakamataas na net worth at ay isang host ng mga palabas, aktres at producer ng Filipino talk show. Siya ay nag-host ng mga talk show at gameshow, at naka-star din sa mga sine at serye sa telebisyon.

2. Sharon Cuneta Pangilinan

Siya ang tinaguriang Megastar at ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan. Siya ay may bituin sa 54 na pelikula, 10 palabas sa telebisyon, nakagawa ng 40 na album at tumayo bilang isang endorser para sa maraming produkto at serbisyo.



3. Vilma Santos Recto

Kilala bilang the Star for all Seasons, siya ay isang kilalang Pilipinang artista at pulitiko. Kilala siya dahil sa iba’t ibang mga ginagampanan sa mga genre ng mga pelikula at humahawak ng mga pamagat ng Grand Slam Queen, Queen of Queens, at bilang pinakamahabang reigning box office queen ng sine sa Pilipinas.

4. Vicki Belo

Bilang isang matagumpay na Pilipinang dermatologist at celebrity, siya ay ang nagtayo ng sikat na Belo at Flawless beauty chains. Ang asawa niya ay si Hayden Kho at may babae silang anak na si Scarlet Snow Belo.


5. Marian Rivera

Siya ang Kapuso Primetime Queen dahil sa kanyang mga papel sa sa iba’t ibang mga palabas tulad ng MariMar, Dyesebel, at Amaya. Siya ay isang modelo ng komersyal at artista na Spanish Filipino.

6. Toni Gonzaga

Siya ay isang Pilipinong mang-aawit, host ng telebisyon tulad ng “Pinoy Big Brother”, at artista sa mga sikat na pelikula tulad ng “Four Sisters and a Wedding”.

7. Sarah Geronimo

Kilala bilang Pop Princess ng bansa, siya ay isang Pilipinang mang-aawit, aktres at personalidad sa telebisyon. Siya ay nagsimula sa larangan ng musika sa edad na 14 pagkatapos manalo sa T.V. show na “Star for a Night.”

8. Judy Ann Santos

Siya ay isang Pilipinang beteranong artista ng pelikula at telebisyon, isang recording artist at producer ng pelikula, at ngayo’y isang ring Youtuber.

9. Anne Curtis

Isa siyang Filipino Australian actress, modelo, host ng telebisyon, VJ at recording artist sa Pilipinas. Siya ay kasalukuyang isa sa mga hosts ng noontime variety show sa ABS-CBN na “It’s Showtime”.

10. Kathryn Bernardo

Kilala bilang dating Teen Queen at ngayo’y Queen of Hearts sa takilya. Siya ay isang artista, model at recording artist at naging kilala sa kanyang papel bilang Mara sa sikat na TV seryeng “Mara Clara”.