Maraming Naantig ang mga Puso ng Makita Nila ang mga Batang Ito na Tinutulungan ang Isang Matanda na Itulak ang Kanyang Ice Cream Cart

“Mamang sorbetero, tayo’y sumayaw
Kalembang mong hawak, muling ikaway
Batang munti, sa ‘yo’y naghihintay
Bigyang ligaya ngayong tag-araw”

Natatandaan niyo pa ba ang awiting ito? Ang lirikong ito ay tila ipinakita ng kabataan sa isang nakunang video.




Ang video ng mga grade school na mga bata kung saan ay tinutulungan nila ang isang lolong sorbetero na itulak ang kanyang karitola ng sorbetes pataas sa tulay ay nakapukaw ng mga damdamin ng maraming mga netizen.


Tunay na nakapupukaw ng damdamin ang kabataan na mga ito dahil sa asal na kanilang ipinakita. Sa tuwing nakakikita tayo ng ganito, tila’y nakakakita tayo ng liwanag sa dilim, hindi ba?



Sa panahon natin ngayon, samu’t sari na ang mga nagyayari sa mundo pati na rin sa ating bansa. Gayunpaman, nananatili pa rin ang kabutihan sa gitna nang mga kaguluhan. Ipinakita ito nang mga batang ipinalaki nang may mapangmahal na mga puso.



Ang tatlong mga grade school na mga bata ay napansin nang tulungan nila ang isang lolong nahihirapan umakyat sa Bang Bang Bridge sa pasig habang tulak- tulak niya ang kanyang karitola ng sorbetes. Mabuti nalang, siya ay tinulungan ng mga napakabait na mga bata dahil ang paakyat na tulay na ito ay maaaring maging mapanganib kung hindi man niya kinayang gawin ito ng mag isa.

Ang unang napukaw na damdamin ay ang kay Armel Manglallan na nakakita nito nang siya ay nagmamaneho sa tulay. Kanyang kinunan ng maikling video ang pangyayaring ito at ipinost sa social media. Maraming nakakita nito at namangha. Nakalikom ang post niya nang mga komento, pagbabahagi, at halos 2 milyon na views.

Ang pangyayaring ito ay nagpapaalala sa atin ng mga magagandang bagay na maari nating gawin at maranasan. Sana ay magbigay ng inpirasyon ang kwentong ito sa ating lahat.