Kumikita ng Mahigit Isang Milyon Kada Taon ang Mag-asawa na Ito Gamit Lamang ang Pagvivideo sa Kanilang mga Anak at Ibinabahagi sa Youtube!

Sa panahon natin ngayon, napakalaki ng naitutulong ng teknolohiya para tayo ay matuto, makipagkaibigan, makahanap ng mapapangasawa, at maari ding kumita ng pera. Dahil sa teknolohiya, may mga stay at home moms ang kumikita habang inaalagaan ang kanilang mga anak sa bahay. Dahil din dito, kumikita ang ilan dahil lamang sa pagbabahagi ng parte ng kanilang buhay gaya ng pag-travel, o di kaya naman ay pagsama ng kanilang mga nakakatuwang anak sa video.




Ang pamamaraan na ito ay tinatawag na vlogging o ang pagbabahagi ng iyong kwento sa pamamagitan ng pagkuha ng video nito. Madalas itong makikita sa Youtube channel kung saan maari mo ring ma follow ang mga paboritong mong Youtuber.



Isang mag-asawa nga ang gumamit ng teknolohiya para ibahagi ang buhay ng kanilang mga anak sa publiko at hindi nila inakala na dahil dito ay kikita sila ng malaki. Ang mag-asawang ito ay sina Mark at Rhea. Ang kanilang mga anak ay sina Hulyan, Maya at Marxlen. Parehong nag-aral ng Mass Communication Major in Arts ang dalawa noong sila ay nag-aaral pa sa kolehiyo sa Pilipinas. Bago pa sila mag migrate sa California ay nakahiligan na nila ang paggawa ng mga video noong sila ay nasa kolehiyo pa lamang kaya naman naisipan nilang gumawa ng isang Youtube channel na pinangalanan nilang “I Love My Thing” noong 2007.

Kagaya ng ilan, hindi din naging madali ang pagsikat ng kanilang Youtube channel at may mga pagkakataon na kakaunti lang ang nanonood ng kanilang video. Ngunit noong 2013 ay nagpost sila ng kauna-unahang video kung saan makikita ang kanilang anak na si Hulyan na nagbubukas ng kaniyang laruan na Thomas Trackmaster Motorized Engines Set. Umabot ng mahigit 20 million views ang nasabing video! Ito ang naging simula ng tagumpay ng kanilang Youtube channel at pinalitan ang pangalan nito na ngayon ay “Hulyan Maya” na.

Isa ito sa Youtube channel na kumikita ng malaki at pang 42 ito sa listahan ng mga channel sa Youtube na madalas panuorin sa Amerika. Sa kabuuan ay mayroon na itong 18 billion hits simula ng magsimula at tunay ngang matatawag na trending channel.



Ito na nga ang pinakainaasam-asam na trabaho ng mga magulang dahil maliban sa kasama nila lagi ang kanilang mga anak ay kumikita pa sila ng malaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *