Umani ng Negatibong Reaksyon sa mga Netizens ang Isang Ina Matapos Iwanan ang Dalawang Bata Sa Labas ng Isang Fastfood Restaurant

Ang pagiging ina ay isa sa mga hinahangad na propesyon ng isang babae. Sabi nga ng karamihan ay masaya ang maging ina ngunit kaakibat din nito ang isang napakalaking responsibilidad na palakihin ang iyong anak ng maayos at maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan habang lumalaki. Kaya naman kahit mahirap ang buhay ay handang magsakripisyo ang mga ina para lang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga anak. Ngunit sa kabila nito madalas na mahusgahan ng mga tao ang mga ina lalo na kapag nakikita nilang napapabayaan nito ang kanyang mga anak.

Kagaya na lamang ng isang kwento na naging viral sa social media kamakailan kung saan iniwan di umano ng isang ina ang kanyang dalawang anak sa labas ng isang fastfood chain. Ibinahagi ni Myleen Delos Reyes De Villar sa kanyang Facebook account ang larawan ng dalawang batang umiiyak sa labas ng Mang Inasal sa lugar ng Valenzuela City. Ayon sa kanya, napansin niya ang dalawang bata sa labas habang papasok siya sa kainan. Habang kumakain ay panay ang tingin niya sa dalawa dahil nagaalala siya sa maliit na sanggol na hawak ng isang bata. Walang tigil ang iyak ng sanggol kaya naman halos lahat ng dumadaan sa lugar ay napapalingon dito.




Lumapit ang guwardya at tinanong kung nasaan ang nanay nila at doon na nagsimulang magkwento ang nakakatandang bata na may karga sa sanggol. Galing daw sila ng Tondo,Manila at bumyahe sila ng kanilang nanay papuntang Valenzuela. Iniwan di umano sila sa Mang Inasal simula alas sais (6am) ng umaga at sinabing babalik ito agad at may importanteng bagay lang na kukunin at hindi sila pwedeng isama.


Iyak ng iyak ang mga bata lalo na ang sanggol dahil hapon na ay hindi padin nakakabalik ang kanilang ina at gutom na ang mga ito sa paghihintay. Pinakain sila ng isang crew ngunit hindi padin sila matigil sa pagiyak dahil walang kasiguraduhan na babalik pa ang kanilang ina.



Marami sa mga netizens ang nakakita ng post na ito at karamihan sa kanila ay nagalit sa ina sa pagpapabaya nito sa kanyang mga anak. Hindi pa lubos na natukoy ng mga tao sa lugar kung nasaan ang ina ng dalawa. Umaasa kami na sana ay magtagpo din ang mga bata at ang kanilang ina lalo na at malapit na ang kapaskuhan.

source: rachfeed.com