Halos Tatlong Linggo na Nagtitipid sa Pagkain ang Estudyanteng Ito, Hanggang Isang Araw ay Isinugod na Lamang siya sa 0spital!

Diet. Yan ang madalas na gawin ng mga kabataan o mga tao na nais magpapayat at magbawas ng timbang. Ito ang paraan ng pagkain ng mas kaunti kesa sa nakasanayan. Epektibo ang paraang ito at nakakatulong din upang makatipid ka at makaipon ng pera ngunit kapag hindi nagawa ng tama ay siguradong magkakaroon ng masamang epekto sa iyong katawan.



Isang babae nga mula sa China ang napabalitang nasigod sa hospital noong nakaraang buwan dahil sa pagtitipid sa pagkain. Siya ay si Hong Jia, isang estudyante. Naisipan niyang mag diet para makaipon ng pera na gagamitin niya sa Singles Day. Ito ay ang pinakamalaking online at offline shopping sa buong mundo kung saan ang mga bilihin ay mabibili sa mas murang halaga dahil malaki ang discount.

Ayon sa balita ay noodles lamang ang kinakain ni Jia simula October 15 at dahil dito ay nakapagipon siya ng 749 Yuan o 108 US Dollars. Masaya ang estudyante sa kanyang naipong pera ngunit bago pa man dumating ang Singles Day noong November 11 ay naisugod siya sa hospital dahil sa pagkakasak!t. Nagamit ni Jia ang kanyang naipong pera para sa pambayad ng gastusin sa hospital gaya na lamang ng IV drips at iba pang gamot. Hindi nabanggit kung ano talaga ang dahilan ng pagkakahospital ng dalaga ngunit naniniwala siyang isang dahilan nito ay ang pagkain niya ng noodles sa loob ng mahigit kumulang tatlong linggo.



Nagsisisi si Jia sa kanyang ginawa at sinabing,”I used most of my savings to get better. The IV drips cost me more than 1,000 yuan ($144) and medicine cost more than 100 yuan.” Kulang pa ang naipon niya para ipambayad sa mga gastusin sa hospital.

Maraming netizens ang naawa kay Jia ngunit madami din ang nagsabing kasalanan niya kung bakit siya na hospital. Nagbabala pa ang ilan na ang pagkain ng noodles ay hindi maganda sa kalusugan kaya naman dapat itong iwasan.



Ang pagiipon ay isang mabuting bagay ngunit kapag ito ay ginawa sa hindi tamang paraan siguradong may hindi mangyayaring maganda. Sabi nga nila ang kahit na anong bagay na sobra ay masama

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *