Naging uso sa online world ang pagbabahagi ng mga larawang #pubertystrikes kung saan makikitang mayroong malaking pagbabago sa anyo at mukha ng isang tao matapos siyang magbinata o magdalaga. Nagbabahagi sila ng kanilang before and after na larawan.
Isa na sa mga netizens na nagbahagi ng kanilang larawan ay si Alexis Corbi. Ipinakita niya sa kanyang Facebook account ang kanyang larawan noong siya ay bata pa lamang at sa isang larawan naman ay ang kanyang mukha sa kasalukuyan. Nilagyan niya ang mga larawan ng caption na “When puberty hits you hard”. Kitang kita sa larawan ang kakaibang pagbabago sa mukha ni Alexis pati na rin sa kanyang kulay.
Madalas daw ay nasa loob lang siya ng bahay dahil tinutukso siya ng kapwa niya bata dahil sa kanyang maitim na kulay. Gayunpaman ay hindi bumaba ang tingin ni Alexis sa kanyang sarili kundi ginamit niyang inspirasyon ang mga taong kumukutya sa kanyang panlabas na kaanyuan. Ngayon si Alexis ay isa ng magandang dalaga na may magandang hubog ng katawan kaya naman talagang nagulat ang mga netizens sa pagbabago ng kanyang anyo. Ayon sa dalaga ay wala siyang ininom na pampaputi at hindi umano nagpaopera para magkaroon ng magandang mukha. Sabi nga niya, lahat ng makikita sa kanya ay natural lamang.
Isang estudyante si Alexis na ngayon ay nag-aaral sa De La Salle University sa kursong Tourism. Pangarap ng dalaga na maging isang flight attendant at talaga namang nagsisikap ito na makapagtapos ng pag-aaral.
Marami ang nagsasabi na kamukha ng dalaga si Liza Soberano samantalang ang iba naman ay nagsasabing kahawig niya si Maine Mendoza. Naging viral ang post na ito ni Alexis at naibahagi ito sa social media world ng humigit kumulang 50,000 na ulit. Dahil dito, maraming netizens ang nagkaroon ng interest na alamin ang buhay ng dalaga at marami din ang gustong maging kaibigan siya sa Facebook. Kumalat din ang kanyang mga larawan sa iba’t ibang social media sites kaya naman ginawa na niyang private ang kanyang account.
Tunay ngang hindi natin dapat husgahan ang isang tao dahil lamang sa panlabas na anyo nito dahil hindi natin alam baka bukas pagsisihan natin ang mga binitawan natin mga salita laban sa ating kapwa.