May iba’t ibang dahilan ang bawat tao kung bakit sila nagsusumikap sa pagtatrabaho. Karamihan sa mga dahilang ito ay ang mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya, makatukong sa mga kamag-anak o kapatid na nag-aaral o di kaya naman ay para makamit ang pansariling ambisyon. Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, naiisipan nilang magtrabaho sa ibang bansa kahit na ang kapalit nito ay malayo sa pamilya at magpaalipin sa mga banyaga. Dahil nga sa mga sakripisyo ay hirap na pinagdadaanan ng ating mga Overseas Filipino Worker (OFW) kasama na sila sa mga itinuturing na bayani ng bansa.
Isang balita ang kumalat sa social media tungkol sa isang OFW na nangarap makapagsuot ng mga mamahaling damit ang nauwi sa disgrasya. Ito ay ibinahagi ng kanyang kaibigan na si ShainaLena Berbidel Fajemos sa Facebook account nito habang ipinapakita ang kanilang pag-uusap. Ayon sa post ay matagal na daw ginagawa ng hindi pinangalanang OFW ang pagsuot ng mga damit ng kanyang amo kapag siya nalang ang mag-isa sa bahay.
Matapos maglinis at magawa ang mga gawaing bahay ay naging libangan na ng OFW ang pagsusukat ng damit ng kanyang amo sabay pagkuha ng larawan ng sarili. Minsan ay ibinabahagi niya ito sa social media. Isang araw ay napansin niya na may bagong gown na naman ang kanyang amo kaya naman noong nagkaroon siya ng pagkakataon na maisukat ito ay hindi na siya nagdalawang isip na isuot ang damit. Maingat ang babaeng OFW sa paghawak ng damit dahil sa marami itong detalye na maaring matanggal kapag nagkamali siya ng hawak. Naisuot nga ng babae ang gown ay nakapag-picture siya. Tuwang-tuwa siya sa kanyang ginawa ngunit noong huhubarin na niya ito ay hindi niya inaasahang mapunit ang damit. Kinabahan ang OFE kaya naman dali-dali niya itong ibinalik sa lalagyan at umastang parang walang nangyari.
Isang araw ay isinukat ulit ng amo ang kanyang gown ngunit bago pa man niya ito suotin ay nakita na niya ang punit kaya naman ipinatawag niya ang OFW. Tumanggi ang OFW sa bintang na sinuot niya ng damit ngunit napatunayan ito ng amo niya ng kunin ang cellphone nito. Napag-alaman ng amo na matagal na pala itong ginagawa ng OFW kaya naman pinagbabayad niya ito ng 15,000 Riyal o humugit kumulang 200,000 sa pera ng Pilipinas dahil kung hindi ay ipapakulong siya ng amo.
Ayon sa kaibigan na ng post ng kwento sa Facebook, ginawa niya ito hindi upang ipahiya ang kanyang kaibigan kundi upang maging babala sa kapawa nila OFW na huwag tularan ang ginawa ng kanyang kaibigan. Pinayuhan niya din ang mga kapwa OFW na magtrabaho ng mabuti at huwag gagawa ng kahit anong ikakapahamak nila dahil sa ibang bansa ay may iba silang patakaran at batas na iba sa Pilipinas.