Hindi mo Aakalain na Ganito na ang Edad ng Isang Babae na Ito na Pinagkaguluhan sa Social Media Dahil sa Kanyang Katawan at Itsura!

Ang pagkakaroon ng bata at magandang mukha ang hinahangad ng karamihan sa atin, babae man o kalalakihan. Kaya naman naging mabenta ang mga produkto na pampakinis at pantanggal ng mga kulobot sa mukha. Kahit na larawan ay na i-edit na din para tanggalin ang mga hindi kanais-nais sa mukha at pagandahin ang anyo nito.




Kamakailan lang ay may isang babae na naging viral sa social media dahil sa taglay niyang kagandahan. Siya ay si Qin,Ling isang Chinese at mayroong dalawang anak at isang apo! Oo tama ang inyong nabasa. Isa na ngang lola si Ling na ngayon ay limampung (50) taong gulang na. Marami ang hindi makapaniwala sa edad ni Ling dahil kung titingnan ang hubog ng kanyang katawan at ayos ng kanyang mukha ay aakalain mo lang na siya ay nasa edad 20 o 30 taong gulang pa lamang.

Para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ling, nag-hire ng photographer ang kanyang anak para sa isang photoshoot. Magiliw naman na nag-pose si Ling sa harapan ng camera. Hindi niya alam na ibinahagi pala ito ng kanyang anak sa social media kaya ikinagulat niya ng makitang nag-viral ang kanyang mga larawan. Dahil dito marami ang nagtatanong kay Ling kung ano ang kanyang sekreto sa pagkakaroon ng magandang mukha at hubog ng katawan sa kabila ng kanyang katandaaan.


Sa isang interview nga ay naikwento ni Ling na isa siyang single mother at mag-isa niyang itunaguyod ang kanyang dalawang anak kaya naman wala siyang sapat na pera para ibili ng mga pampaganda. Isa daw sa kanyang madalas gawin ay ang matulog ng nakahubad isang beses sa isang linggo. Madalas din dae siyang mag hot bath at araw-araw na gumagawa ng mga homemade mask mula sa mga gamit na makikita niya sa kanyang kusina kagaya ng cucumber, yogurt, honey at pearl powder.

Marami din di umano ang nanliligaw sa kanya na mga batang lalaki dahil sa pag-aakala ng mga ito na ka-edad lang nila si Ling. Bukas naman daw siya sa mga manliligaw ngunit ang hinahanap niyang lalaki ay ka-edad niya o mas matanda ng kaunti sa kanya.



Ano ang masasabi mo sa mga larawan ni Ling na naging viral sa social media?