Nakakaiyak ang Goodbye Message ng Babae Ito sa Childhood Sweetheart ng Halos 8 na Taon!

Maraming iba’t ibang uri ng love story at bawat isa sa kanila ay may kakaibang kwento na talaga namang nakakaantig ng puso.Isa na sa mga ito ang pagkakaroon ng tinatawag na “childhood sweetheart” o yaong kababata mo na minahal mo ng higit pa kesa sa isang kaibigan. Ito yung pagkakataon kung saan masaya ka sa tuwing papasok sa paaralan dahil magkikita na naman kayo o di kaya naman ay madalas kang sumali sa mga activities sa school dahil alam mong manonood siya.




Ganito din halos ang naging kwento ng buhay pag-ibig ni Aimee Aguado sa kanyang ibinahaging post sa Facebook. Nagumpisa ang kwento nila ng kanyang chilhood sweetheart noong sila ay Grade 5 pa lamang. Mas lalong tumindi ang tinginan nila sa isa’t isa dahil madalas silang magkasama sa mga activities ng school lalo na sa pagsasayaw. Dito na din nagsimula ang ligawan at ayon sa post ng dalaga ay naging supportive ang parents ng kanyang childhood sweetheart kaya naman madalas siyang makatanggap ng mga regalo mula sa lalaki.



Kahit sa highschool ay magkasama padin ang dalawa. Ayon kay Aimee kung saan school siya papasok ay doon din daw gustong pumasok ng lalaki kahit na gusto ng parents niya na i-enroll siya sa school kung saan nag-aaral ang kanyang nakakatandang kapatid. Dahil sa pagpupumilit ng lalaki ay pinayagan na din itong mag-aral kung nasaan si Aimee. Madalas pading magkasama ang dalawa sa mga school activities ngunit ayon sa dalaga ay hindi pa sila magkasintahan noong highschool dahil hindi pa daw niya crush ang lalaki noong mga panahon na iyon.

Naging magkasintahan ang dalawa noong August 29,2018 ayon sa paglalahad ng dalaga. College na sila noon at kagaya ng inaasahan ay parehas padin sila ng paaralan na pinapasukan. Balak nilang itago muna ang kanilang relasyon dahil hindi pa payag ang nanay ng babae ngunit nahuli din sila dahil sa suot nilang couple necklace.



Marami ang nagsasabi na match made in heaven ang dalawa dahil sa almost perfect nilang relasyon. Halos lahat ng bagay ay pinagkakasunduan nila mula sa pagkakaroon ng parehas na kulay ng buhok, pagkakaroon ng couple infinity tattoo at pamamasyal sa iba’t ibang lugar. Nagplano na din ang dalawa na magpapakasal sila sa August 8,2018 para daw 8-08-18. Ngunit dumating ang isang pangyayari na nagbago ng lahat. Ang mahigit pitong taon nilang pagsasama ay tinapos na ni Aimee para di umano bigyan ng leksyon ang kasintahan.

“FOR ALL THOSE YEARS NA MAGKASAMA TAYO, NAGLOLOKOHAN LANG PALA TAYO?”

“I HOPE MAS MAGING MASAYA KA SA PINILI MONG LANDAS…I LOVED YOU, GOODBYE…”

Ilan lamang yan sa mga salitang binitiwan ni Aimee para sa kasintahan. Ang pagbabahagi di umano ng kanyang kwento online ay hindi niya inisip na maging viral at sana daw ay irespeto ng mga netizens ang kanilang pinagdadaanan.

Masarap sa pakiramdam ang malaman mo na
mahal ka din ng taong mahal mo ngunit kung aabusuhin mo ang pagmamahal na ito siguradong hindi magtatagal ang relasyon na matagal na ninyong iniingatan.