Agaw-Pansin at Nagvirala ang Kakaibang Massage na Ginagawa ng Lalaking Ito sa Isang Ale

Ang pagmamasahe ay isang pamamaraan kung saan ginagamit ang daliri, kamay, siko o paa upang diinan o di kaya naman ay pisilan ang kalamnan o kasukasuan sa ating katawan. Ilan lamang sa mga benepisyo ng pagmamasahe ay pagkatanggal ng stress at maayos na pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat.




Tunay ngang malaki ang naitutulong ng pagmamasahe para ma-relax and ating katawan at mawala ang pagod sa maghapong trabaho kaya naman naglipana kung saan-saan ang mga massage parlor at kahit nga mga bulag ay natuto na ding magmasahe. Sa mga bangketa ay may makikita ka ding mga tao na nag-aalok ng masahe habang nakaupo sa upuan. Sigiraduhin lamang na lehitimo ang taong gagawa ng pagmamasahe upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa katawan.


Isa ngang lalaki ang naging viral online kamakailan dahil nakuhanan siya ng video habang minamasahe ang isang babae na nakaupo sa bangketa at nagtitinda. Ibinahagi ang nasabing video ng lalaking nagngangalang Adrian Iso sa kanyang personal na Facebook account. Makikita sa video na walang imik ang lalaki habang minamasahe ang babae sa bangketa. Aakalain mo na nagbibiro lang ang lalaki ngunit ayon sa mga tao sa lugar ay sikat daw iyon pagdating sa pagmamasahe.

Mukha namang totoo ang sinasabi ng mga tao dahil makikitang nasisiyahan ang babae sa ginagawa sa kanya ng lalaki. Ihinahagis pa pataas ng lalaki ang lalagyan ng alcohol na ginagamit niya sa pagmamasahe at sinasalo ito habang wala pading emosyon ang kanyang mukha.

Marami ang napahinto sa paglalakad sa kalye at pinanood muna ang ginagawa ng lalaki na animo ay nais din nilang magpamasahe. Maya-maya pa ay pabirong hinawakan ng lalaki ang ilong ng babae at itinaas ito sabay pinulupot ang buhok ng babae gamit ang isa niyang kamay at pinaikot-ikot ang ulo nito. Natawa ang babae sa ginawa ng lalaki at maging ang mga nanonood at mukhang nag-enjoy din.



Hindi man sigurado kung magaling nga siyang masahista, ngunit ang isang tiyak ay napatawa niya ang mga tao sa paligid pati na din ang mga netizens na nagpahayag ng kani-kanilang reaksyon sa social media. Sabi pa ng ilan, nawala din daw ang stress nila dahil tawa sila ng tawa sa panonood ng video.

Ikaw, ano ang reaksyon mo sa nasabing viral na video ng isang lalaking masahista?