Ipinasilip sa Publiko ang Napakagandang Baby Girl nina Aubrey Miles at Troy Montero

Ang pagbubuntis at panganganak ang ilan lamang sa mga pinakainaasam na yugto sa buhay ng isang babae maliban pa sa ikasal sa taong kanyang minamahal. Kapag ang isang babae ay nabuntis, maraming tao ang hindi makapaghintay na makita kung ano ang magiging kasarian ng bata o di kaya naman ay kanino ito magmamana ng mukha. Ganito madalas ang nangyayari lalo na sa mga babaeng artista na nabubuntis.




Isa na nga dito si Aubrey Miles na talaga namang sinubaybayan ng mga fans ang kanyang pagbubuntis at nag-antay ng siyam na buwan para malaman kung ano ang magiging mukha ng anak nila ng aktor na si Troy Montero.

Bago pa man ang kanyang relasyon sa asawang si Troy ay nagkaroon na ng anak si Aubrey sa unang asawa na si JP Obligacion. John Maurie Sandel Obligacion ang pangalan ng kanyang anak na lalaki sa unang asawa ay matagal niya din itong itinago sa publiko. Nagkaroon din ng panganay na ankkak ang aktres kay Troy at ito ay pinangalanan nilang Hunter Cody Sandel Miller at ipinanganak noong October 3, 2008.



Dahil panay lalaki ang kanyang anak, inasam-asam ni Aubrey Miles na magkaroon ng anak na babae at matapos nga ang sampung taon na paghihintay ay nabuntis ulit ang aktres at naging usap-usapan ito ng mga tao lalo na sa social media. Madami ang nanalangin na sana ay biyayaan ang mag-asawa ng anghel na babae. Masaya si Aubrey sa pagmamahal na pinapaabot sa kanya ng mga fans habang siya ay nagbubuntis.

Noon ngang ika-14 ng Disyembre taong kasalukuyan ay ipinanganak ng aktres ang isang malusog na batang babae sa St. Luke’s Medical Center. Tuwang-tuwa ang mag-asawang Aubrey at Troy kaya naman hindi nila napigilang ibahagi ang magandang balitang ito sa social media.



“It’s crazy… I’m realizing it’s happening right now!”,pagbabahagi ng masayang ama na si Troy Montero. “It’s funny we were like picking up Hunter from school, and we’re actually gonna be on our way home, and the doctor’s like, ‘No, no, no!”, dagdag pa ng aktor sa kanyang post sa social media.

Nagbahagi ng mga larawan si Troy Montero sa social media na may caption na ” My sweetness gave birth at around 3:30am 12/14/18 to a healthy baby girl. Both are doing fine and now resting,”.




Natupad din sa wakas ang matagal na nilang panalangin at isa itong maagang pamasko sa mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero pati na din sa kanilang pamilya.