Mahirap na Buhay ni Willie Revillame Noon, Ibinahagi ng Aktor Ngayon at Nakapagbigay Inspirasyon sa mga Tao Kung Paano Umangat sa Buhay!

Karamihan sa mga taong nagiging matagumpay sa buhay ay yaong mga taong lumaki sa hirap. Dahil na din siguro sa hirap na dinanas nila habang lumalaki kaya mas lalo silang naging pursigido na magbago ang kanilang buhay.

Isa na nga sa mga taong ito ay si Willie Revillame. Kung noon ay kamag-anak at kaibigan niya lang ang nakakakilala sa kanya ngayon ay kilala na siya sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa.




Ipinanganak si Willie noong January 27, 1961 sa probinsiya ng Nueva Ecija. Ang tunay niyang pangalan ay Wilfredo Buendia Revillame. Ang kanyang ama na isang marangyang tao ay 34 taong gulang ng siya ay ipanganak samantalang ang kanyang ina naman na kabaliktaran ang buhay sa kanyang ama ay 16 taong gulang lamang.



Kuwento ni Willie, “Na-experience ko ‘yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa.”


Nagkaroon din ng anak sa ibang lalaki ang kanyang ina at siya ang nag-aalaga dito sa tuwing magtatrabaho ang kanyang ina sa isang canteen. Lumaking sanay sa pagbabanat ng buto si Willie.

“Di ko nakakalimutan ‘yung Bustamante street. Barker ng jeep. Meycauayan-Malinta. Pagkatapos naglilinis ako ng jeep. Naglilinis ako ng jeep ‘yung krudo. Alam mo ‘yung lagayan ng mga langis, may basahan ako. Bibili ka sa palengke, ku-kruduhan mo ‘yung jeep.”

Dahil sa pagsusumikap ay nakapagtapos din siya ng highschool at kumuha ng kursong Dentistry sa Centro Escolar University ngunit hindi niya ito natapos dahil na din sa hirap ng buhay. Dito na nagsimulang maghanap ng ibang pagkakakitaan si Willie. Nagtrabaho siya bilang isang drummer sa banda at isang araw habang tumutugtog sila ay napanood siya ng singer,host at aktor na si Randy Santiago. Kinuha siya nito para maging sidekick sa isang show ng GMA. Ito ang naging simula ng showbiz career ni Willie.



Nakitaan ng potential si Willie kaya naman nagtuloy-tuloy ang kanyang career sa showbiz at dahil sa kanyang pagiging sidekick ay napasama siya sa iba’t ibang pelikula ng mga sikat na aktor. Nabigyan din siya ng pagkakataon na makapag-record ng kanyang sariling album. Ngayon ay nagtatarabaho si Willie bilang isang host at kilala siya ng mga tao sa kanyang linyang “Bigyan ng jaket yan!”