Tulala ang Isang Babae na Ito at Nagkulong sa Kwarto ng Ilang Linggo Matapos Siyang Iwanan ng Kanyang Kasintahan

Isa sa pinakamahirap na karanasan sa buhay ng isang babae ay ang lokohin at iwanan siya ng kanyang kasintahan. Hindi maiiwasan ang pag-iyak at pagmukmok sa isang tabi dahil sa sakit na nararamdaman. Ang iba pa nga ay ayaw kumain o di kaya naman ay hindi na natutulog. Sabi nga nila kapag ang isang tao ay nasaktan ng sobra, malaki ang nagagawang pagbabago nito sa kanyang buhay. Maaring mas maayos niya ang buhay niya kesa dati o di kaya naman ay masira niya ito. Ang ilan nga sa mga babaeng niloko at iniwanan ng kanilang kasintahan ay mas lubos na gumaganda ang pakiramdam at panlabas na kaanyuan.




Ngunit iba ang nangyari sa isang babae sa China. Nagkulong ang babaeng ito sa loob ng kanyang kwarto sa isang hotel matapos siyang lokohin at iwanan ng kanyang kasintahan. Hindi na pinangalanan pa ng mga autoridad ang nasabing babae para na din sa seguridad nito. Matagal na palang hindi lumalabas ng kwarto ang babae at hindi ito napansin ng may-ari ng hotel hanggang sa isang araw ay may nagreklamo dahil sa masangsang na amoy mula sa katabi nilang kwarto. Hindi mabuksan ng may-ari ang kwarto kaya naman tumawag na siya ng pulis sa pag-aalalang baka may masama ng nangyari sa babae. Dumating ang mga pulis at nabuksan nga nila ang kwarto ngunit nahirapan silang makapasok dahil sa tambak na kalat sa loob ng kwarto.





Sa mga larawang nakuha ng mga autoridad ay makikitang nagkalat ang mga gamit ng hotel, may mga leftover na pagkain at sandamakmak na tissue sa sahig ng kwarto maging sa banyo at sa kama. Makikita din ang isang payat na babaeng nakaupo lang sa kanyang kama at walang imik. Magulo ang buhok nito, namamaga ang mga mata at halatang walang tulog.



Tinutungan ng mga pulis ang babae na makalabas ng kwarto at isinailalim siya sa ilang mga check-up para masigurong maayos ang kanyang kalagayan. Dinala din siya sa isang psychologist para matulungan sa kanyang pinagdadaanan subalit wala ng sumunod na balita kung napano na nga ba ang babaeng ito.




Bawat tao ay may kani-kaniyang paraan kung paano haharapin ang bagyo ng buhay. Sana ay mas piliin natin ang magbago para sa ikabubuti natin at hindi sa ikakasama. Sabi nga nila ang bagyo ng buhay ay hindi nangangahulugan na katapusan na ng buhay mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *