Humigit Kumulang na Tatlong Milyong Pamasko ang Ibinigay at Inihandog ni Manny Pacquiao sa mga Tao!

Kilalang-kilala si Manny Pacquiao bilang isang magaling na boksingero sa loob at labas ng ating bansa. Marami na din siyang naipanalong mga laban at nagbigay karangalan sa ating bansang Pilipinas. Sa kasalukuyan ay nagsisilbi siya sa bansa bilang isa sa mga Senador. Hindi din lingid sa publiko ang pagkakaroon nila ng maraming negosyo at ari-arian kaya talaga namang kinikilala ang pamilya ni Pacquiao bilang isa sa mga mayayamang pamilya sa bansa.Ilan lamang sa kanyang negosyo ay ang sikat na resort sa Boracay na talaga namang dinadayo ng mga turista.Mayroon ding mahigit dalawang bahay sa loob at labas ng bansa.




Aminadong lumaki sa hirap si Manny at hindi niya ito ikinakahiya. Masaya niyang ikinikwento ang kanyang mga naging karanasan habang lumalaki at dahil umano sa mga karanasang ito ay mas lalo siyang nagpursigi sa buhay. Sa kabila ng karangyaan at pagiging sikat ay hindi naging mayabang si Manny kundi nanatiling siyang mapagpakumbaba at matulungin sa kapwa.

Kamakailan nga ay napabalitang namigay di umano ang Boxing  Champ ng humigit kumulang tatlong milyong pamasko sa mga tao. Ayon sa aming source ay mabilis na kumalat ang balitang mamimigay ng pera si Manny sa mga tao kaya naman marami ang pumila sa labas ng kanilang bahay sa Forbes Park sa Makati. Nangyari ang insidente na ito noong nakaraang December 11, 2018 at nagumpisa di umano ang pila ng alas tres ng madaling araw (3 am). Nagpunta ang kanyang mga kapitbahay na kasambahay, security guard at mga driver sa tapat ng kanyang bahay.



Ayon sa pahayag ng isang residente ay umabot sa tatlong milyong piso ang halaga na naipamigay ni Pacquiao sa mga nakapila. Masaya sila dahil nakatanggao sila ng maagang pamasko mula sa Boxing Champ.

Matatandaan na noong mga nakaraang taon ay nagbigay din ng pamasko si Manny sa kanyang mga kababayan sa Saranggani ngunit hindi na inihayag pa ang kabuuan na kanyang naibigay sa mga tao.



Maliban sa pamasko na natanggap ay nasiyahan din ang mga pumila sa magandang dekorasyon ng bahay ng pamilya Pacquiao na si Jinkee mismo ang nag disenyo.