Ito ang mga Celebrities na Itinaguyod ang mga Anak Kahit Sila ay Single Parent!

Masarap magkaroon ng minamahal at kasabay nito ang pagkakaroon ng anak, ngunit minsan hindi nagiging happy ending ang relasyon bilang magkasintahan o mag-asawa at nauuwi ito sa hiwalayan. Mahirap maging single parent dahil maliban sa sak!t na iniwan ng dating ka-relasyon ay haharapin pa nito ng mag-isa ang responsibilidad sa anak na naiwan kaya naman saludo kami sa lahat ng mga single parent.



Narito ang ilan sa mga kilalang personalidad na kagaya ng normal na tao ay nagmahal din ngunit iniwan ng kanilang mga kasintahan:

1. Karla Estrada

Hindi man kasama ang asawa sa pagpapalaki ng kanyang mga anak ay naging pursigido si Karla sa pagtatrabaho para mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang mga anak. Ngayon nga ay naging maayos na ang buhay nila at ang kanyang anak na si Daniel Padilla ay tinaguriang Teen King, King of Hearts, at ngayon ay Box Office King na si Daniel Padilla.

2. Joel Cruz




Wala mang asawa ay masaya si Joel sa kanyang buhay at sa kanyang pitong (7) anak. Matagumpay sa buhay si Joel at tinaguriang perfume magnate.

3. Claudine Barretto


Hindi man naging maganda ang kinahantungan ng relasyon ni Claudine sa kanyang asawa ay sinikap nitong maging matatag at matapang para sa kanyang mga anak na sina Sabina, Santino, at Quia.



4. Denise Laurel


Marami ang nagsasabing sayang ang ganda at talino ni Denise dahil iniwanan lang siya ng kanyang asawa. Ganito man ang mga pambabatikos sa aktres ay naging malakas ito at kinaya ang buhay bilang single parent sa kanyang anak na si Alejandro.
“Being a single mom is really empowering, because there’s more purpose.”, sabi niya sa isang panayam sa kanya ng PEP. Nagbigay din siya ng payo sa kapwa niya single parent at sinabing, “I wanted to show people that no matter what happens to you, it should never stop you from doing what you want to do.”

5. Valerie Concepcion


Sa batang edad na 16 ay nabuntis na di umano si Valerie at mahirap man ay kinaya niya ang buhay ng pagiging isang single mom sa tulong na din ng kanyang pamilya. Ngayon ay nasa highschool na ang kanyang anak at happily engaged na ang aktres sa kanyang kasintahan.




6. Phoemela Baranda


Matagal na itinago ni Phoem ang kanyang pagiging single mom dahil ayaw na may mga magkomento ng hindi kaaya-aya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang anak. Nabunyag lang ang lihim na ito ng pumasok sa PBB ang kanyang anak na si Kim Nicholo noong 2013.

7. Ciara Sotto


Hindi inilihim ni Ciara ang kanyang fail marriage sa publiko at ipinakitang kaya niyang maging isang mabuting ina sa kanyang anak kahit na may hindi magandang nangyari sa kanila ng ama nito.