Tignan ang Bonggang Birthday Photoshoot ng Kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na sina Mavy at Cassy

Isa sa mga sikat na artista ngayon ang mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na ikinasal noong 2012. Bago pa man ikasal kay Zoren ay nagkaroon na ng unang asawa si Carmina at ito ay si Rustom Padilla. Ikinasal sila noong 1994 ngunit hindi nagkaroon ng anak at naghiwalay din noong taong 2002.




Pinagtagpo ng tadhana sina Carmina at Zoren matapos ang annullment ng aktres sa unang asawa at bago pa man sila ikasal ay nagkaroon sila ng kambal na anak. Ito nga ay sina Maverick Peter (Mavy) at María Cassandra (Casy). Ipinanganak ang kambal sa Amerika noong ika-6 ng Enero taong 2001. Umuwi ng Pilipinas ang mag-asawa mula sa Amerika noong tatlong buwan na ang kambal.

Sa kasalukuyan ay mga dalaga at binata na ang kambal at madalas silang napapanood sa telebisyon bilang mga artista. Kamakailan nga ay naging viral na naman sa social media ang kanilang photoshoot para sa nalalapit nilang 18th birthday. Kinunan ito ng kompanyang Nice Print Photo at sila din ng nagbahagi ng kumalat na mga larawan online.



Makikitang “fierce” ang kambal sa kanilang photoshoot kasama ang kanilang mga magulang na sina Carmina at Zoren. Itim ang motif ng photoshoot at kitang-kita ang pagka-blooming ng magkapatid maging ng mag-asawa na aakalain mong nakakatandang kapatid lang sila ng kambal.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang larawan ng kambal at ito ang ilan sa mga naging komento nila sa social media.  

“May the Lord above be with you to guide and care for you all days of your lives. Happy 18th bday twins.”



“Grabe ang pogi at ang ganda ni Mavy at Cassy!”

Ayon pa sa kanila ay kahawig daw ni Cassy ang kanyang ama na si Zoren samantalang kahawig naman ni Carmina ang anak na lalaking si Mavy.





Kagaya ng ibang mga magulang ay nais ding bigyan ng mag-asawang Carmina at Zoren ang kanilang anak ng isang magandang birthday party kaya naman taon-taon ay talaga namang pinaghahandaan nila ang sorpresa para sa kambal at ito ay inaabangan din ng kanilang mga fans.