Hindi Alam ng Babae Kung Ano ang Gagawin nang Tumusok ang Isang Hito Sakanyang Tiyan Habang Ito ay Lumalangoy sa Dagat!

Masarap mamasyal sa dagat lalo na kapag tag-araw kaya naman halos lahat ng tao maging bata o matanda ay mahilig sa ganitong gawin. Marami ding naidudulot na benepisyo ang pag langhap sa hangin ng dagat pati na rin ang pagligo sa tubig nito. Samantala, ang ilan naman sa mga turista ay nakagawian na ang pagbibilad sa araw o “sun bathing” dahil nais nilang mag-iba ang kulay ng kanilang balat.




Gayunpaman, dapat pading mag-ingat ang bawat taong mamasyal sa dagat dahil may mga aksidente na posibleng mangyari habang tayo ay nagsasaya. Ang ilan nga sa mga aksidenteng ito ay pagkalunod o di kaya naman ay makagat ng mga jellyfish. Ngunit kakaiba ang nangyari sa isang babae na naging viral sa social media.

Ayon sa post ni EMT Marcelo Araujo Tamada sa kanyang Facebook account, ang nasabing babae ay nagmula sa Itanhaém,Brazil at matagal na di umano itong namamasyal sa lugar. Hindi na pinangalanan kung saang beach resort nangyari ang insidente para na rin protektahan ang establisyemento.

Nagulat di umano ang mga tao na kasama ng babae na lumalangoy sa karagatan dahil bigla nalang itong nagsisigaw habang umaahon sa tubig. Mas ikinagulat nila ng makitang may nakasabit na hito (catfish) sa tiyan ng babae! Agad isinugod sa pinakamalapit na hospital ang babae na sa sobrang sakit ay hindi na napigilang umiyak.



Makikita sa mga larawang ibinahagi na ang tinik malapit sa ulo ng isda ay tumusok sa tiyan ng babae kaya naman naiwan itong nakasabit at hindi makalangoy. Ayon sa mga doktor ay isa itong kakaibang pangyayari at ngayon lang sila nakakita ng isda (hito) na sumabit sa katawan ng tao.

Ibinahagi di umano ni Marcelo ang larawang ito sa Facebook sa pahintulot na din ng babae upang maging babala sa mga tao na maging maingat sa lahat ng pagkakataon at hindi lamang sa pagligo sa dagat.



Umani ng maraming reaksyon at komento ang post na ito at sinabi pang hindi lamang pating o jellyfish ang dapat ingatan sa karagatan kundi pati na din ang hito (catfish)!