Upang Gumanti Sakanyang Ex-Husband, Naisipan Hatiin ng Lalaking Ito ang Lahat ng Bagay na Pinagmamay-ari Nilang Dalawa at Isauli Ito Sakanyang Asawa!

Natural na sa mag-asawa ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ito ay isang paraan din upang mas lalo niyo pang makilala ang ugali ng isa’t isa at dito lalabas kung sino ang mapagparaya sa inyong dalawa. Dahil din sa mga pagsubok na ito ay nagiging matatag ang relasyon ng mag-asawa lalo na kapag nagtutulungan silang mapanatiling maayos kanilang pagsasama. Ngunit minsan may mga bagay na hindi na maayos at nauuwi ito sa hiwalayan. Dito nagumpisa ang pagkakaroon ng tinatawag na “Divorce”.

Ang divorce ay isang proseso ng pagpapawalang bisa ng kasal ng mag-asawa na inaprobahan ng korte kasama ang kasunduan o desisyon sa suporta sa asawa at anak, custody ng mga anak at pati na rin ang hatian sa mga conjugal properties. Madalas itong mangyari kapag may nangyayaring pananakit o di kaya naman ay pagkakaroon ng ibang karelasyon maliban pa sa asawa.


Isa ngang lalaki mula sa Germany ang naging viral sa social media matapos niyang makipaghiwalay sa kanyang “cheating wife”. May mga katibayan ito na matagal na siyang niloloko ng asawa kaya naman napatunayan sa korte na ang kanyang asawa ay may kalaguyong ibang lalaki na mas bata sa kanya. Aprubado ng korte ang divorce ng mag-asawa at pumayag ang lalaki na ibigay sa kanyang ex-wife ang kalahati ng kanilang conjugal property.




Nagulat at natawa ang mga netizens ng makita ang post ng lalaki sa social media ng mga larawan ng conjugal properties nilang mag-asawa dahil kalahati nalang ang mga ito! Oo tama ang inyong nabasa, literal na kalahati.


Sinigurado ng lalaki na masusunod niya ang sinasabi ng korte kaya naman sinukat niya ng maigi ang kanilang mga gamit at gumamit ng espesyal na pamputol sa mga ito. Ilan sa mga nasabing conjugal properties ay telepono, telebisyon, sofa, kabinet, mga upuan, kama, pati kotse at teddy bear ay hindi nakaligtas sa mga kamay ng lalaki.

Ikinatuwa din ng mga netizens ang mga caption sa bawat larawan na ibinahagi ng lalaki. Makikita rin sa larawan na nakuha pang mag selfie ng lalaki suot ang kalahating helmet!

Masakit man ng ginawa sa kanya ng kanyang asawa ay gumawa ng paraan ang lalaki hindi lamang para aliwin ang kanyang sarili kundi upang bigyan na din ng leksyon ang kanyang ex-wife.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *