Malaki ang naitutulong sa atin ng teknolohiya kagaya na lamang ng napapabilis nito ang ating komunikasyon ganoon din ang pagbyahe. Ngunit madalas ay naabuso natin ang pag-gamit ng teknolohiya kaya may mga hindi inaasahang pangyayari ang nagaganap. Isang halimbawa na dito ang maling pag-gamit ng telepono na maaring magdulot ng pagkakasakit di kaya naman ay aksidente.
Isa na sa aksidenteng ito ang naganap sa train station sa Beijing China. Makikita sa video footage ang isang ginang kasama ang kanyang anak na nag-aabang ng train. Tahimik na nakatayo sa tabi ng kanyang ina ang bata sa pagdating ng train. Mapapansin na abala ang babae sa paghawak at pagtitig sa kanyang telepono na akala mo ay wala siyang kasamang bata. Maya-maya pa ay nawala ang bata sa tabi ng ginang! Nang mamalayan ito ng babae ay agad siyang nagsisigaw habang nakayuko at inaabot ang bata sa ilalim ng train.
Inihakbang pala ng bata ang kanyang paa, dahil maaring inakala niyang magbubukas na ang pintuan ng train kaya naman nahulog siya sa pagitan ng train at platform. Nagkumpulan ang mga tao para matulungan ang babae at maya-maya pa ay dumating na din ang mga tauhan ng train para tulungan ang mag-ina. Subalit Hindi kaagad nakuha ang bata sa ilalim ng train dahil nalaglag ito sa lugar kung saan walang pintuan at masyadong maliit ang butas para siya ay maiangat.
Habang nasa ilalim ng train ang bata ay ginagabayan ito ng ina papunta sa pinakamalapit na pintuan ng train at doon siya nai-angat ng mga tauhan ng train. Umabot ng mahigit ilang minuto bago nakuha ang bata sa ilalim ng train. Takot na takoy ito at panay ang iyak habang nakayakap sa kanyang ina. Lubos na nagpasalamat ang babae sa Diyos at sa mga taong tumulong sa kanyang anak.
Nailigtas man agad ang bata ay hindi parin nakaligtas ang babae sa mga komento ng netizens matapos kumalat ang video na inupload ng isang concerned citizen online. Sabi ng ilan dapat daw ay hindi nalang isinama ng babae ang kanyang anak sa labas ng bahay kung telepono lang pala ang kanyang babantayan. Samantalang sinabihan naman siya ng ilan na isan siyang pabayang ina.
Ikaw, ano ang reaksyon mo sa nasabing video?