Mga Kilalang Personalidad na Inilihim ang Pagkakaroon ng Anak

Marami ang mga matang nakabantay sa buhay ng mga artista at lahat ng meron sa kanila ay ginagawaan ng kwento. Ngunit kagaya ng galing nila sa pag-arte ay nagagawa din nilang itago ang ilan sa kanilang mga sekreto mula sa pinakamaliit na peklat sa katawan o hanggang sa lihim na pagbubuntis na siguradong pagppiyestahan ng publiko.

1. Phoemela Baranda

Sa murang edad na 19 ay naging abala na siya sa kanyang modeling career at kasabay nito ang pagbubuntis niya sa kanyang anak na babaeng si Kim. Pinalabas ni Phoem na nakababatang kapatid niya lang si Kim at sinabi lang ang totoo noong 11 taong gulang na ito. Ngayon ay dalaga na si Kim at nakapasok din siya sa PBB.

2. Sarah Lahbati and Richard Gutierrez




Naging usap-usapan na noon ang pagbubuntis ni Sarah bago pa man sila lumuwas ng bansa ng asawang si Richard. Tumungo sila sa Switzerland at doon ng ipinanganak ni Sarah ang anak na si Zion sa edad na 20 taong gulang. Ibinunyag nila ang balitang ito sa kanilang reality show na ‘It Takes Gutz To Be A Gutierrez’

3. Aubrey Miles

Inilihim din ni Aubrey ng kanyang pagkakaroon ng unang anak na lalaki sa dating asawa na si JP Obligacion. Nang tanungin kung ano ang kanyang dahilan ay ito ang naging pahayag ng aktres, “Noong time na ‘yun kailangan fresh ka. Mas sisikat ka. Siyempre sa mga endorsements mo gusto nila single ka, hindi ka mom.”



4. Piolo Pascual

Isa sa pinakahinahangaan at kinagigiliwang aktor na si Piolo ay nagkaroon din ng anak na inilihim ng matagal sa publiko. Ipinakilala ni Piolo ang anak na si Iñigo ss publiko noong ito ay binata na. Sa kasalukuyan ay isa na ding aktor at singer si Iñigo kagaya ng kanyang ama.


5. Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

Sikat na personalidad si Ellen at John Llyod ay lagi silang laman ng telebisyon at mga balita kaya naman noong sabay silang nawala sa showbiz ay mas lalong lumakas ang bulung-bulungan na nabuntis nga ni John Llyod si Ellen. Ngunit hangganh ngayon ay walang kompirmasyon ang balitang ito. Ayon sa ilang mga reporter ay may nakakita di umano kay Ellen at John Llyod sa Chong Hua Hospital, Cebu. Makikita sa larawan na tumaba si Ellen at malaki ang tiyan.

6. Liz Uy

Kamakailan lang ay nagulat ang publiko ng makitang may kasama ng batang lalaki si Liz Uy na Xavi ang pangalan. Ayon sa balitang showbiz ay isang nagngangalang Mr. Raymond Racaza ang ama ng bata at ito ay may asawa din. Sa Amerika ipinanganak ni Liz ang kanyang anak at hindi siya humihiling ng kahit na anong tulong mula sa ama ni Xavi.
“Every time I do anything, I think of Xavi first.”, sabi ni Liz sa interview ng Preview.