Isang Pulubi ang Ibinigay ang Kanyang Natitirang Pera sa Isang Estudyante na Nawalan ng Pamasahe Pauwi!

Nakakatuwang isipin na sa mundong ginagalawan natin mayroong mga bagay na minsan ay mahirap ipaliwanag. Kagaya na lamang madalas nating nakikita o nababalitaan na kung sino pa ang kinakapos ay siya pa ang walang pag-aatubiling tumulong sa alam nilang nangangailangan ng tulong nila. Ang pangyayaring ito ay ibinahagi na naman sa social media ng isang estudyanteng nagngangalang Caroline Santana.




Si Caroline ay isang estudyante sa kolehiyo at nakatira sa Sāo Paulo Brazil. Ayon sa kanyang kwento, isang araw di umano ay may isang pulubi ang namalimos sa kanya habang naglalakad siya papunta sa bus station para umuwi ng bahay. Noong kukunin na ng dalaga ang kanyang wallet ay hindi niya ito matagpuan pati na rin ang kanyang biniling tiket sa bus. Lubos na kinabahan ang babae at hinanap niya itong muli ngunit hindi na natagpuan. Napansin ng pulubi na balisa ang babae kaya naman ay kinausap niya ito. Inilahad ni Caroline and kanyang problema sa pulubi at sinabing kinakailangan niyang maglakad paguwi. Nagulat ang babae ng tanungin ng pulubi kung magkano ang tiket sa bus. Maya-maya pa ay inaabot nito sa kanya ang $4 at sinabing bumili siya ulit ng tiket para hindi siya maglakad pauwi ng bahay.



Hindi tinanggap ni Caroline ang alok ng pulubi at patuloy padin siya sa paghahanap ng nawawalang tiket sa bus.Maya-maya pa ay nakita niya na ang kanyang wallet na nakaipit sa kanyang mga gamit sa loob ng bag. Nandoon din ang tiket niya sa bus.



Lubos na ikinatuwa ni Caroline ang pagmamalasakit na ipinakita sa kanya ng pulubi kaya naman ibinigay niya lahat ng laman ng kanyang wallet na umabot sa R$2. Hindi man ito kalakihan ay natuwa din ang pulubi sa ginawa ng estudyante. Kumuha ng litrato si Caroline kasama ang pulubi na nalaman niyang Cesar pala ang pangalan. Ibinahagi niya ito sa Facebook kasama ng kanyang kwento at sinabi pang ” Never judge anyone because of their appearance, God writes straight with crooked lines.”

Maraming tao ang natuwa sa kwento ni Caroline at ni Cesar na talaga namang nagturo patungkol sa tamang pakikitungo sa tao, kabutihan at pagmamahal sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *