Silipin ang Napakalaking Victorian-Themed Mansion g Lord Of Scents Na Si Joel Cruz

Si Joel Cruz ang isa sa pinakamayang personalidad sa ating bansa at kilala siya dahil siya ang mismong may-ari ng Aficionado Germany Perfume.

Nagtapos si Joel sa UST noong taong 1986 sa kursong Bachelor of Science in Psychology. Ito ay isang pre-medicine course para siya ay maging doktor ngunit hindi tinuloy ni Joel ang pag-aaral upang maging doktor at sa halip nagtayo siya ng kanyang sariling negosyo na ikinalungkot ng kanyang mga magulang. Nag- umpisa ang negosyo ni Joel sa pagbebenta ng mga damit na pinangalanan niyang Joel Cruz Enterprises, Inc. Ang kompanyang ito ang nagsu-supply ng damit sa mga kilalang department store kagaya ng SM, Robinson’s Rustan at iba pa. Naging maganda naman ang takbo ng negosyo ngunit noong 1997 ay nagkaroon ng Asian Crisis at naapektuhan ang kanyang negosyo. Ito ang nag-udyok kay Joel para magumpisa muli sa ibang negosyo at naisipan niya ang paggawa at pagbenta ng mga pabango at naging matagumpay ito.


Dahil sa tagumpay sa negosyo ay nagkaroon ng mansion si Joel sa Tagaytay. Ito ay mayroong limang palapag at mayroon ding roofdeck kung saan maaring lumapag ang helipad. Ang mansion na ito ay malugod na ipinasilip ni Joel sa media at makikitang elegante ang mga gamit sa loob ng bahay.




Sa laki ng mansion ay mayroong pitong (7) kwarto, dalawang (2) kwarto para sa mga kasambahay, spa at sauna, salon, mini-theater, swimming pool at gym.



Sa harapan ng mansion ay makikita na nakapaskil ang mga salitang ” The Mansion of the Lord of Scents”. Samantalang sa veranda naman ay makikita ang estatwa ng dalawang babae na nakatalikod sa isa’t isa. Ito ay nasa may fountain kung saan makakaamoy ka ng perfume.

Pagpasok mo palang sa mansion ay pakiramdam mo nasa isang hotel ka na dahil mayroon itong lobby kung saan pwede ka munang magpahinga matapos ang mahabang byahe. Sa tuwing kakain ka sa hapag-kainan ay aakalain mo na nasa Tea Party ka noong 1800’s dahil sa kakaibang setup nito.



Mayroon ng pitong anak si Joel ngayon at sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay ay nanatili siyang mapagpakumbaba at patuloy na tumutulong sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga charity. Tunay ngang ikaw ay magtatagumpay kapag masipag ka at hindi ka susuko na abutin ang iyong mga pangarap.

Ano ang masasabi mo sa mansion ni Joel Cruz?Nanaisin mo din bang magkaroon ng ganoon kalaking tirahan?