Upang Mapasaya ng Asawa na Ito ang Kanyang Asawa na Na-Str0ke, Pinagaralan Niyang Ayusin ang Buhok Nito Para Sakanyang Asawa!

Maraming kwento ng pag-ibig ang talaga namang nakakaiyak sa lungkot o di kaya naman ay nakakaiyak dahil sa saya. Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig dahil malaki ang naidudulot nito sa isang tao para magpakabuti o magpakasama. Dahil din sa pag-ibig ay mas lalo nating nakikita kung ano pa ang mga bagay na kaya pala nating gawin para sa taong mahal natin.




Isang video nga ng lalaki ang kumalat sa social media dahil makikitang kakaiba ang kanyang ginagawa at hindi ito gawain ng isang lalaki.

Nakunan ang video sa New Braunfels, Texa’s Foundry Salon na ibinahagi ni Raigen Kelly sa kanyang personal na Facebook account. Ayon kay Kelly, hindi na di umano kaya ng babae ang ayusin ang kanyang buhok dahil sa str0ke kaya naman nagsusumikap ang lalaki para matutunan kung paano ito gawin.

Ang nasabing mag-asawa ay sina Andrew at Theresa na 45 taon ng kasal. Naging masaya at maayos ang pag-sasama ng mag-asawa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay na stroke si Theresa 18 taon na ang nakakalipas. Dahil dito ay nahirapan si Theresa na kumilos at hindi na magawa ang dati niyang kayang gawin.



Mayroon di umanong gustong hairstyle si Theresa ngunit hindi na niya ito magawa kaya naman nagdesisyon si Andrew pag-aral lahat ng dapat niyang matutunan para maibigay ang nais ng asawa.Simula sa mga uri ng produkto na gagamitin hanggang sa pag-gamit ng hair dryer ay maiging pinag-aral ni Andrew sa tulong ni Andrea Gomez, isang hairstylist sa salon.

Kinuhan ng video ni Raigen, isa ding stylist sa salon ang pangyayari dahil kinilig at natuwa siya sa pagmamahal ni Andrew kay Theresa.

Ayon kay Andrew nagsimula umano ang pagkagusto ni Theresa sa hairstyle na iyon dahil noong Mother’s Day ay binigyan ng salon certificate ng kanyang mga anak ang kanyang asawa. Natuwa di umano ito sa hairstyle na ginawa ng hairstylist sa buhok niya at simula noon ay yun na ang gusto niyang disenyo ng kanyang buhok. Nadismaya din umano ito noong matapos niyang basain ang buhok ay hindi na niya maulit ang hairstyle na nais niya.



Nakakatuwang makakita ng mga mag-asawa na matatag padin ang pagmamahalan sa isa’t isa kahit na sila ay matanda na. Mapalad si Theresa dahil hanggang ngayon ay patuloy padin ang pagsuyo sa kanya ng kanyang asawa na si Andrew.

Ano ang masasabi mo sa ginawa ni Andrew para sa asawa niyang si Theresa?