Isang Ina Umani ng Batikos Mula sa mga Netizens Dahil Halos Matabunan na ang Kanilang Christmas Tree sa Dami ng Regalo

Kapaskuhan, isa sa pinakainaabangan at pinaghahandaang kasiyahan. Ang ilan ay talagang nag-iipon ng matagal para may maihanda sa araw na ito. Simula araw ng Setyembre ay maririnig na ang mga awiting pangpasko at halos lahat ay abala na sa pagdedesenyo ng kanilang mga bahay.


Naging katuwaan na din ang pagbabalot ng mga regalo para sa anak, kapatid, asawa at mga mahal sa buhay. Dahil sa mga kagawiang ito nagiging buhay ang pagdiriwang ng pasko at nagiging masaya ito lalo na kapag may mga regalo.

Ngunit isang babae ang tila nasiyahan ng sobra sa pagbabalot ng regalo sa kanyang mga anak at naging gabundok na ito sa dami na halos matakpan na ang kanilang Christmas tree!



Ang nasabing babae ay walang iba kundi si Emma Tapping na nakatira sa Isle of Man. Taon -taon daw niyang ginagawa ang ganitong bagay dahil isa ito sa paraan ng pagpapakita niya ng pagmamahal sa kanyang mga anak. Nagiging therapy din sa kanya ang pamimilli ng mga regalo para sa mga bata lalo na at iba-iba sila ng mga kinalahiligan. Ang mga regalo ni Emma sa kanyang mga anak ay hindi din umano kamahalan kaya madami ang kanyang naibalot.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang isang Christmas tree na halos tuktok nalang nag makikita sa dami ng naka-patong patong na mga regalo. Sabi ng isa sa mga nagkomento, dapat daw hindi niya hinahayaan na masanay ang kanyang mga anak sa madadaming regalo dahil baka maging spoiled daw ang mga ito. Ang ilan naman ay nagsabi na sana nagdonate nalang si Emma sa mga batang mahihirap at sila nalang ang binahaginan niya ng mga regalo. Sa kabila nito ay mayroon ding mga natuwa sa ginawa ni Emma at sinabing deserve niya ang pasayahin ang kanyang mga anak sa paraan na gusto niya lalo na at pinaghirapan niya naman ang pera na pinambili sa mga regalo.


Kahit na nakakatanggap siya ng mga negatibong komento ay patuloy padin si Emma sa pagreregalo ng madami sa kanyang mga anak dahil para sa kanya ito ang panahon na ma-spoiled niya ang kanyang mga anak dahil hindi niya naman ito nagagawa sa buong taon.



Ano ang iyong reaksyon sa ginawang ito ni Emma? Kung sakaling madami kang pera gagawin mo din ba ito sa iyong anak?

source: buzzooks.com