‘Something Mahirap na I-Uwi’ Exchange Gift ng mga Estudyante Nag-viral at Kinagiliwan ng mga Netizens!

Ang Kapaskuhan ay tinagurian ng araw ng pagbibigayan, ito man ay materyal na bagay o di kaya ay pagmamahal. Mas masaya ang Pasko sa Pinas ika nga ng maraming Pinoy lalo ng mga OFW. Malamig ang simoy ng hangin,masarap ang mga pagkain, masaya ang mga tao lalo na kapag may natatanggap na regalo. Naging bahagi na din ng pagdiriwang ng Kapaskuhan ang pagpapalitan ng mga regalo (exchange gift) sa loob ng bahay, opisina o paaralan. Ang ilan nga ay may iba’t ibang estilo pa kung paano magiging mas masaya at kakaiba ang pagpagpalitan nila ng regalo.Monito at monita din ang tawag nila sa kanilang mga nabunot na pagbibigyan ng regalo. Mayroon ding nagkakaroon pa ng theme sa exchange gift nila kagaya nalang halambawa ng “something soft”, “something about Christmas” o kung anu-ano pang nakakatuwang mga bagay.




Ang mga Senior Highschool na estudyante sa Unibersidad ng San Beda ay may kakaibang pakulo sa kanilang exchange gift habang pinagdiriwang ang kanilang Christmas party.Ang kanilang theme ay “something na mahirap iuwi”.

Para sa mga kabataan ngayon ito ay isang kakaibang regalo lalo na at mas nanaisin nilang makatanggap ng regalo kagaya ng gadget o di kaya naman ay mga damit at gamit sa sarili. Naging magulo at masaya ang mga senior high habang isa-isa silang nagpapalitan ng mga regalo. Naghihiyawan sila habang hinuhulaan kung ano ang nasa loob ng mga regalo na mula sa kanilang mga kamag-aral. Ang ilan sa mga ito ay hindi na kayang ibalot sa Christmas wrapper dahil sa sobrang laki at kinailangan ng gumamit ng kahon o di kaya naman ay plastik.


Ilan sa mga natanggap nilang regalo ay, gulong ng bisekleta, walis, timba at palanggana, isang case ng sofdrinks at kung ano pang bagay na hindi mo basta-basta maiuuwi sa bahay lalo na kapag mag ko-commute ka lang pauwi. Hindi alintana ng mga estudyanteng ito kung ano ang mga natanggap nilang gamit at na-enjoy nila ang kakaibang exchange gift kasama ang kanilang mga kamag-aral.

Ibang-iba nga ang Pasko sa Pilipinas dahil mahilig gumawa ng kakaibang gimik ang mga Pinoy.


Ikaw, naranasan mo na din ba na magkaroon ng kakaibang pagdiriwang ng Kapaskuhan?

image source:PhilippineSTAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *