Maging Aware sa mga Pekeng ‘Googly Eyes’ na Inilalagay sa Mata ng Isda Upang Magmukhang Sariwa!

Sa hirap ng buhay ngayon madami sa atin ang ginagawa ang lahat para lang kumita ng pera at may maiuwi sa pamilya. Ang ilan ay nagtatarabaho pa simula madaling araw hangang gabi para lang mapagtapos ang mga anak sa pag-aaral. Mayroong mga magaling dumiskarte at malaki ang kinita mayroon din namang kahit na anong sipag ay hindi kalakihan ang natatanggap na sahod.




Tunay ngang maraming bagay ang naidudulot ng kahirapan. Ang ilan ay napapasubo na ding gumawa ng hindi mabuti para lang kumita at may makain. Isa na nga sa mga ito ay ang panloloko. Madalas itong mangyari sa pamilihan. Madayang timbangan, mga tinurukan ng tubig na manok, plastik na mga gulay at kung anu-ano pa.

Kamakailan nga ay ibinahagi ng isang concern citizen mula sa Kuwait na si Ayman Mat ang isang video kung saan makikitang ang mata ng isda ay isang plastic!

Isa sa pinakamadaling paraan para malaman kung sariwa o hindi ang isang isda ay sa pamamagitan ng mata nito. Kapag ito ay puto ibig sabihin ay sariwa pa ang isda samantalang bulok naman kapag mapula na ang mata nito. Ang ilang nagtitinda sa palengke ay gumagamit ng dilaw na ilaw para hindi gaanong makita ang pulang mata ng isda kung sakali mang hindi na ito sariwa.



Kakaibang gimik naman ang naisip ng isang tindera sa Kuwait. Makikita sa ibinahaging video ni Ayman na maputing-maputi ang mata ng kanyang nabiling isda at aakalain mo na talagang sariwa ito sa unang tingin. Ngunit ng titigang maigi ay plastic pala ang mata ng isda. Sinubukan itong tanggalin ni Ayman at nakita niya na wala na ngang mata ang nasabing isda at ang matang ginamit dito ay yaong inilalagay sa mga stuffed toys o manika na tinatawag na “Googly eyes”.



Umani ng maraming reaksyon ang video na ito at karamihan sa mga netizens ay nainis at natawa habang ito ay pinapanood. Sabi pa nga ng ilan, kahit daw mga isda ay pwede na din magpa-plastic surgery para magmukhang sariwa. Samantalang ang ilan ay hindi makapaniwala na may mga taong naloloko sa ganoong uri ng mata ng isda.

Marahil nga ay naging epektibo sa ibang mamimili ang gimik na ito ngtindera sa Kuwait. Ikaw, naranasan mo na din bang maloko habang namimili sa palengke?