Scarlet Snow Belo, Nakatanggap ng Regalo na Python Mula sa Kanyang Ninong na si Kuya Kim!

Nakakatuwang makita na masaya ang mga bata sa mga regalong natatanggap nila lalo na sa araw ng Kapaskuhan. Kaya naman nag mga Ninang at Ninong ay talaga namang nag-iisip ng mga pakulo o kakaibang regalo na ibibigay nila sa kanilang mga inaanak. Ang ilan ay inilalagay pa ang mga ito sa kakaibang pambalot para hindi agad malaman kung ano ang laman ng regalo. Samantala ang iba naman ay ipinapasyal nalang ang kanilang inaanak sa mga amusement park.



Ngunit kakaiba ang naisip na regalo ng host at weather forecaster na si Kuya Kim para sa kanyang inaanak na si Scarlet Snow Belo, ang anak nina Vicky Belo at Hayden Kho.

Kilala si Kuya Kim sa pagkakaroon ng koleksyon ng iba’t ibang uri ng hayop at talaga namang kinagiliwan ito ng kanyang mga kaibigan lalo na at nag-mukhang animal zoo na ang kanyang bahay. Dahil dito,naisip ni Kuya Kim na dalhin ang ilan sa kanyang mga alagang hayop ng bumisita siya sa bahay ng mga Belo. Dala niya ang ilan sa kanyang mga alagang ahas kagaya ng white phyton at isang pagong.

Lubos na natuwa si Scarlet Snow ng makitang dala-dala ng Ninong Kim niya ang puting ahas at agad sinabi sa kanyang Mommy kung pwedeng ilagay ito sa kanyang leeg at kuhanan siya ng larawan. Pinayagan ni Vicky Belo ang anak at proud na proud ito dahil hindi siya matatakutin sa mga hayop. Ibinahagi niya pa sa kanyang Instagram account ang nasabing larawan na may nakalagay na caption, “@scarletsnowbelo is fearless. She immediately asked for the snake to be put around her neck. That’s why I did it na rin,”.



Dahil sa tapang na ipinakita ni Scarlet ay napilitan na ding magpa-picture si Vicky Belo habang nakapulupot sa kanyang leeg ang ahas kasama ang kanyang asawang si Hayden Kho. Masayang nakipagkulitan ang mag-anak na Belo kasama si Kuya Kim at ang mga alaga nito.


Makikita din sa isang larawan na kasama ni Scarlet ang isang pagong na alaga din ni Kuya Kim. Ayon sa post ni Scarlet sa kanyang personal Instagram account, gusto niya sanang maging alaga ang puting ahas ngunit matapos itong maghiganti sa kanyang amang si Hayden Kho ay hindi na siya pinayagan ni Kuya Kim sa halip ay ibinigay nalang sa kanya ang pagong.

“Today I received a most special Christmas gift from my Ninong @kuyakim_atienza. I would have asked for this boa but it pooped on my daddy so I got a baby tortoise instead.”

Nakatanggap ka na din ba ng kakaibang regalo sa araw ng Pasko?