Isang Lalaking Bumili ng Damit sa Ukay-Ukay at Naka-Jackpot ng Wallet sa Loob ng Isang Short na may Halagang Mahigit 200,000 Pesos!

Karamihan sa mga tao ngayon ay mas pinipili ang praktikal na buhay. Ito marahil ay dala na din ng kahirapan sa buhay at baba ng sweldo ng bawat trabahador. Kung papipiliin ang karamihan ay lahat ng murang mga bilihin lamang ang kanilang bibilhin at yaong talagang magagamit ng matagal na panahon. Dahil dito ay naging patok sa publiko ang Ukay-Ukay.Kadalasang makikita sa lugar na ito ang mga pinaglumaang gamit kagaya ng sapatos, bag o di kaya naman ay mga damit. Gayun pa man, karamihan dito ay mga mukhang bago pa at walang sira. Nanggaling di umano ang mga kagamitang ito sa mayayamang bansa kung saan mabilis na nagpapalit ng mga gamit ang mga tao kahit hindi pa naman ito sira.




Kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang kwento ang lalaking nang nagngangalang Wan Mohamad Adam Wan Mohamed. Siya ay 29 taong gulang na negosyante at mayroong sariling tindahan ng Ukay-Ukay. Lagi siyang namimili ng mga paninda sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia ngunit noong nakaraang January 13 ay hindi akalain ni Mohamed na may swerteng darating sa kanya.





Noong araw na yun ay bumili siya ng dalawang bundle ng mga damit sa halagang $24 o humigit kumulang na 1,200 pesos. Pagdating sa bodega ay isa-isa niya itong tinignan at pinagsasama ang mga magkakauri. Habang ginagawa ang proseso ay napansin niya na may kakaiba sa isang short na kanyang nahawakan. Nang tingnan niya ang bulsa nito ay nakita niya ang isang itim na wallet. Binuksan niya ito at nakita ang napakaraming pera.


“I was shocked to see so much cash in it and after counting the money, I took some pictures and uploaded it on Facebook at 9.20pm,”,pagbabahagi ni Mohamed sa kanyang post.

“I’ve changed 450,000 yen into local currency (approx. RM16,800 or $4,150) and the rest will be kept as a memory. I will use the money to expand my business in the future.”,dagdag pa nito.

Maraming netizens ang nainggit kay Mohamed at sinubukan din umano nilang bumili sa mga ukay-ukay ngunit hindi nakakita ng kahit na anumang pera. Ang ilan naman ay pinayuhan si Mohamed na hanapin ang may-ari ng wallet dahil baka matanda na ang may-ari nito at makakalimutin.




Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mohamed,ibabahagi mo din ba ang karanasan sa iyong social media account?

source: buzzooks