Malungkot na Ibinahagi ni Angel Locsin ang Unti-unting Pagkabulag ng Kanyang Ama at Kung Paano Nito Ginagawa ang Lahat Para Mapasaya ang Ama!

Si Angel Locsin ay isa sa mga pinakamagaling at kilalang artista sa mundo ng showbiz. Kinalala din siya bilang isa sa pinakamaganda at sexy na babae sa Pilipinas ayon sa FHM magazine. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa buhay ay nanatiling mapagpakumbaba ang aktres at tila ba isa talaga siyang anghel dahil sa kanyang mga kawang-gawa at pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga charity kagaya na lamang ng pagiging Red Cross volunteer. Ang mabuting ugali na ito ay hindi na nakakapagtaka dahil namana niya ito sa kanyang ama na si Angelo Colmenares.

(Photo source: Instagram/therealangellocsin)




Hindi rin kaila sa publiko ang sipag at dedikasyon nito sa trabaho at katunayan ay abalang-abala na naman ang aktres sa kanyang taping para sa teleserye na “The General’s Daughter”. Maliban dito ay marami na rin siyang nagawang peikula at teleserye na talaga namang tumatak sa mga nanonood dahil sa galing niyang umarte.



(Photo source: Instagram/therealangellocsin)

(Photo source: Instagram/therealangellocsin)

Ayon kay Angel, ginagawa niya ang lahat ng ito para sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang ama na may sak!t. Matatandaan din na noong nakaraang buwan ay napabalitang bumili ng lupa ang aktres sa isla ng Zambales para ibigay sa kanyang ama.


Sa isang interview naman sa “Magandang Buhay” noong unang araw ng Pebrero ay naging emosyunal si Angel at sinabing, “Ako naman ngayon. Kasi ibinigay niya sa akin lahat, kahit hindi namin kaya noon, tinry (sinubukan) niya ‘yung best niya na gawing happy ang childhood ko, in his own way.”

(Photo source: Instagram/therealangellocsin)





Alam ni Angel ang naging hirap ng kanyang mga magulang mabigyan lang siya ng maayos na buhay kaya naman gusto niyang suklian ito ngayong may maayos na siyang trabaho.

(Photo source: Instagram/therealangellocsin)

Ibinahagi din ng aktres ang malungkot na balitang unti-unti ng nabubulag ang kanyang ama. Nagsisisi din ito dahil natagalan ang kanyang pag-iipon para sa operasyon at ngayong may sapat na siyang pera ay hindi na posible ang gusto niya. Ito ay sa kadahilanang 93 taong gulang na si Ginoong Angelo at payo ng mga doktor na huwag na itong isailalim sa proseso dahil hindi na kakayanin ng kanyang mahinang katawan. Kaya naman, sinisiguro na lamang ni Angel na maginhawa ang buhay ng kanyang ama habang binibigyan pa siya ng panahon na ito ay makasama.