Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, Ipinagdiwang ang Kanilang Anibersaryo sa Divisoria Sakay Lamang ay Tricycle!

Ang mag-asawang Jennica at Alwin ay ilan lamang sa mga showbiz couples na kinakikiligan ng kanilang mga fans dahil sa pagiging totoo at simple ng kanilang pagsasama sa kabila ng pagiging artista ng mga ito. Si Jennica ay anak ng beteranong aktres na si Jean Garcia. Sa kasalukuyan ay mayroon na silang dalawang anak ni Alwin at ang panganay ay ipinanganak noong 2015 samantalang ang pangalawa naman ay ipinanganak noong nakaraang taon. Ang buhay na ito ng mag-asawa ay hindi lingid sa publiko dahil madalas nilang ibahagi ang kanilang kwento sa pamamagitan ng social media.




(Photo source: instagram.com/jennicauytingco)



Kamakailan nga ay naging viral na naman ang dalawa dahil sa kanilang pagdiriwang ng wedding anniversary sa Divisoria! Makikita sa larawang ibinahagi ni Jennica na nakasakay sila sa tricylce ni Alwin at simpleng-simple lang ang kanilang mga suot. Wala ding makikitang anumang make-up sa mukha ni Jennica at simpleng nakatali lang ang buhok nito.

(Photo source: instagram.com/jennicauytingco)



Ayon sa aktres, naisipan nilang ipagdiwang ang kanilang annibersaryo sa Divisoria para na rin mamili ng mga kailangan nila sa kanilang tindahan ng mga halaman na tinawag nilang “duwendeinapot”. Isa ito sa mga pinagkakaabalahang negosyo ng mag-asawa. Matapos mamili ay sa fastfood na din sila kumain ng tanghalian at muling sumakay sa tricycle dala-dala ang kanilang mga pinamili na halos hindi na magkasya sa sasakyan. Nagdesisyon din ang dalawa na sa LRT nalang sumakay para makauwi ng maaga at makaiwas sa traffic.

(Photo source: instagram.com/jennicauytingco)

“Marami-rami rin ang tao sa LRT pero ayos lang ang importante ay makakauwi kami bago mag 6PM dahil papatulugin at papaliguan pa ang mga bata. An Anniversary spent ANYWHERE is fine with me as long as I spend it with you. Last year was the hardest on our marriage. It was our toughest so far but our never changing God did not fail us and remained faithful.”, caption ni Jennica sa larawang ibinahagi sa Instagram.

(Photo source: instagram.com/jennicauytingco)

(Photo source: instagram.com/jennicauytingco)





Ayon pa kay Jennica ay mas minamahal niya ang asawang si Alwyn sa paglipas ng panahon at kahit saan man sila dalhin ng buhay at anuman ang kanilang maranasan ay kanila itong mapagtatagumpayan basta’t magkasama silang dalawa.Ang mga salitang ito ay talaga namang nagpakilig sa mga netizen’s at nasabi nilang tunay na relationship goals ang mag-asawang sina Jennica at Alwyn.