Kasabay ng pag-unlad ng ating lipunan ang naglipanang mga factory building at dumadaming sasakyan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit lubhang nagdurusa ang ating mundo sa polusyon at kapag hindi na-solusyunan ang problemang ito ay tiyak na magdurusa ang mga susunod na henerasyon.
Sa kabilang banda ay may mga taong matindi ang adhikain na makatulong upang mabawasan ang polusyon sa ating lipunan. Ang ilan sa kanila ay naglalaan pa ng oras para sa ilang mga imbensiyon kagaya na lamang ng isang matandang lalaki sa Sao Paolo,Brazil na nakilala sa pangalang Ricardo Azevedo.
Nakaisip ng paraan si Ricardo kung paano niya mapapatakbo ang kanyang motor sa pamamagitan ng tubig at hindi gasolina! Oo tama ang inyong nabasa,tubig lang ang kanyang ginagamit sa sasakyan na tinawag niyang “Motor Power H20”. Ang original niyang motor ay 1993 Honda NX 200 at ginamitan niya ito ng baterya ng isang kotse. Ang bateryang ito ang siyang gumagawa ng proseso para makakuha ng enerhiya na kakailanganin ng sasakyan upang tumakbo.Ang naturang enerhiya ay tinatawag na hydrogen at ito ay nagbubuga ng water vapor sa halip na carbon monoxide mula sa gasolina.
“This device breaks apart the water molecules transforming it into oxygen and hydrogen. The hydrogen comes out in larger quantities and then I use this hydrogen to run the motorcycle engine,” pagpapaliwanag ni Ricardo sa isang panayam sa kaniya.
Sinubukan din umano ni Ricardo na gumamit ng malinis at maduming tubig sa kanyang motor at napansin niya na mas maganda ang takbo nito noong gumamit siya ng maduming tubig. Sa ganitong pamamaraan ay makakatipid ang mga motorista ng pera na ipapambili ng gasolina at kasabay nito ay mababawasan pa ang polusyon sa mga kalsada. Lubos na naniniwala si Ricardo sa kanyang imbensiyon at handa siyang ipasuri ito sa mga kilalang mekaniko at matingnan kung maayos ang kanyang pagkakagawa.
Kumalat sa internet ang balitang ito at marami ang natuwa sa ginawang imbensiyon ni Ricardo at saludo sila dito dahil kahit na sa kanyang edad ay gumagawa padin siya ng paraan para makatulong sa problema ng lipunan. Nawa’y naging mabuting halimbawa at palala sa atin ang kanyang kwento na tayo bilang isang mamayan ay may responsibilidad na tumulong upang mabawasan ang problema sa polusyon.